Chapter 07 3rd Person's POV Ilang linggo na umuulan. Malakas ang hangin at talaga naman lubog na ang ilang lugar sa holy continent. Dahil doon lahat ng knight ay inatasan iligtas at dalhin sa safe na lugar ang mga tao. "Anong gagawin natin kulang pa ang mga knight. Lima sa hukbo ang hindi pa nakakabalik. Na stranded sila," ani ng isa sa mga arshibishops. Nagkakaingay lahat dahil doon sa main hall. Malinaw naman na iyon ang unang pagkakataon na nakaranas ng isang sakuna ang holy continent. Walang emperor doon bukod sa magdasal at gumamit ng holy power wala ng alam ang holy continent. "Pupunta ako. Nais ko mag-volunteer," ani ni Ragen. Napatigil ang mga tao na nasa loob. Napalingon ang lahat either si Lazaro. "Sasama na din kami. Isang linggo pa bago makarating dito sina kapitan. S

