Chapter 36 3rd Person's POV "Gusto mo ng maiinom?" Napatingin si Havoc. Nakaupo si Havoc sa loob ng isang tent kasama ang ilang tagapaglingkod. Nasa gitna sila ngayon ng gubat dahil magaganap ang hunting season. Ayaw ni Cosmo sumali. Agad niya tinurn down iyon ngunit nagalit ang hari. Isang prinsipe si Cosmo at ito dapat ang nangunguna sa patimpalak. "May mga tagapaglingkod dito, Cosmo. Kung nais ko ay pwede ko sila utusan na ikuha ako," ani ni Havoc. Palihim na nagtatawa ang mga tagapaglingkod na nakatayo sa likod ng kinauupuan ni Havoc. Nasa b****a si Cosmo. Nagkakamot ito sa ulo. Napataas ng kilay si Havoc dahil kapag ganito ang mga gesture ni Cosmo ay may gusto itong sabihin. "What is it?" tanong ni Havoc. Napatingin si Cosmo at tinanong kung ano iyon. "May sasabihin ka?"

