NANG magmulat ng mata si Chloe sumalubong sa kaniya ang puting kisame at ang amoy ng mga gamot kaya alam niyang nasa hospital siya. Kaagad siyang napahawak sa tiyan niya nang maalala dinugo siya. "Baby..." Napatingin si Lawrence sa asawa nang marinig ang boses nito. "Sweetheart, you're awake." "Ang baby natin?" Nag-aalalang sabi ni Chloe. Hindi niya matatanggap kung may masamang mangyari sa baby nila ni Lawrence. Ngumiti si Lawrence at hinawakan ang kamay ng asawa. Hinalikan niya ang kamay nito. "Our baby is safe. Malakas ang kapit niya." Nakahinga ng maluwang si Chloe dahil sa narinig ang hinaplos ang tiyan niya. "Akala ko mawawala siya..." "Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Sweetheart. Hindi siya mawawala sa atin." Hinalikan ni Lawrence ang nuo ng asawa. "Magpahinga ka na. Kailangan

