NAGTUNGO si Chloe sa bahay nila Faith dahil gusto niya ng kausap. Wala si Lawrence sa mansyon at wala rin ito sa kumpanya nito. Nasa ibang bansa ito para business trip. Gusto siya nitong isama pero umayaw siya. Wala lang. Tinatamad lang siya kaya si Irus ang pinasama niya kay Lawrence kaya naman panay ang reklamo ni Vivian sa kaniya. Isang linggo kasi sina Lawrence at Irus sa ibang bansa para sa business trip. "Buti hindi ka sinakal ni Vivian." Natatawang sabi ni Faith. Chloe shrugged. "Gusto niya pero syempre magagalit sa kaniya si Irus kaya hindi niya ginawa." Natatawa niyang saad. "Siguradong nagtatampo sa 'yo 'yon." Sabi ni Faith habang nakaharap sa laptop nito. Nagkibit lang naman ng balikat si Chloe. "Pareho lang naman kami 'no. Wala nga rin si Lawrence rito." "Bakit kasi hindi

