'Dont' blame for being cruel, Chloe.' Napabuntonghininga si Chloe habang binabasa ang text ng kaniyang ama. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin pero isa lang ang alam niya, may gagawin ito na hindi maganda para mapasunod siya sa gusto nito. Sana lang huwag nitong sasaktan si Lawrence dahil oras na sinaktan ng ama ang asawa niya, hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad. Napangiti si Chloe nang makita ang asawa na naglalakad palapit sa kaniya. Katatapos lang ng ng check-up niya at sinamahan siya nito kaya lang may tumawag kaya umalis ito saglit. "Let's go?" Hinawakan ni Lawrence ang kamay ng asawa. "Let's go. Bibili tayo ng mga gamit ni Baby." "Okay." Tuwag-tuwang sabi ni Chloe. "Careful." Inalalayan ni Lawrence ang asawa palabas ng clinic. Pagkalabas nila ng cl

