"KAYONG mag-aama, maari bang pag-untog-untugin ko ang ulo ninyong lahat? Ah, mali pa rin. Isama n'yo na si pinsan Clarence Keith at Tristan Keith. Aba'y saka n'yo lang kami maalala ngayong may emergency kayong kinakaharap?! Hah! My goodness!" Napahawak sa dibdib si Leona dahil sa itinawag ng pamangking si Bitchichay. Actually, sa internet niya ito kausap. "Mamita ko ng double at pinakamaganda sa lahat like me, walang kinalaman sina Papa Clarence rito at Papa Tristan Keith. Dahil ako ang nagdesisyon at nagsuhestiyon ng private plane. Kako baka sakaling idilat na ni pinsan na best friend at bayaw na rin ang mga mata niya. Kahit singhalan mo ang buong earth ay ako ang itururo nila. Kaya't huwag ka ng magalit kung ngayon lang napatawag ang maganda sa lahat ng pamangkin mo." Umaabot hangg

