"DIM, mag-usap naman tayo. Simula nang gabing 'yon hindi mo na ako kinausap." Halos tumakbo si Lia kahahabol sa kanya papasok sa kabahayan. Parang dito na rin ito nakatira sa bahay ng kanyang mga magulang. Naging madalas dito si Roby kaya madalas din dito ang babae, dahilan para naman dumalang ang pagpunta niya sa bahay ng mga magulang. Narito lang siya ngayon dahil hiniling ng ina na sabay-sabay silang maghapunan. "Nakainom ka na naman ba?" "Pwede ba, Lia, tantanan mo ako! Asawa ba kita?" Iritado niyang sabi sa babae. Ito ang dahilan kung bakit miserable siya ngayon. Ito ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal, kaya kapag nakikita ito ay umiinit kaagad ang ulo niya. "Bakit ba ganyan ka? Baka nakakalimutan mong pareho nating ginusto ang nangyari! Kung inakit ma