CHAPTER 1

1177 Words
Scarlet's POV... Halos sasabog ang tenga ko sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. Ang ingay-ingay. Nakakainis talaga ang alarm clock na 'to! Ang aga-aga ang ingay ang sarap wasakin! Pasalamat 'tong alarm clock kasi mahal ko pa kung hindi, matagal na 'tong nasa basurahan. Padabog akong bumangon dahil sa inis ko sa alarm clock at pumunta sa cr para maligo dahil nangangamoy laway na panis na ako.  Kumuha ako ng towel at pinatuyo ko ang buhok habang naglakad palabas ng cr hanggang sa napahinto ako dahil may nahagip ang mata ko na maleta. Nakakunot ang noo kong linapitan ito. Bakit may maleta sa kwarto ko? Pinapalayas na ba ako ng pamilya ko? Pero mukhang hindi naman 'yun mangyayari.  Binalewala ko nalang maleta at naglakad papuntang sa dining room para kumain dahil nagwawala na ang mga bulate sa tiyan ko.  Kinalibutan ako dahil may himalang nangyayari. Kompleto kaming lahat. Nandito si mommy,si daddy at ang gago kung kuya. Ano kayang meron?Baka papalayasin na talaga ako nila? O hindi kaya may nagawa akong kasalanan na sila lang ang may alam pero imposible naman na mang may kasalanan akong hindi ko alam.  Naguguluhan akong umupo kasama sila at kumain. Tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang nadidinig ni isa samin, walang nagsasalita.  "Baby can I say something?" Binasag ni mommy ang katahimikan sa hapag-kainan.  "Ano 'yun mom?" Kinabahan ako sa tanong ni mommy dahil baka may kasalanan talaga ako at kailan na nila akong palayasin. Ikakamamatay ko pagwala sila.  "Baby wag ka sanang magalit samin." Bakas ang pag-aalinlangan sa boses ni mommy na siyang dahilan para madagdagan ang kaba na nararamdaman ko. "We enroll you in dark royal academy. We did it kasi para sayo na man 'yun and don't worry nandon naman ang kuya mo."  Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Pero mom alam niyo naman po hindi ba na ayaw ko sa mga ganyang academy?" Naiinis ako sa sinabi niya kasi ayoko sa academy-ing 'yun.  "Baby we did it kasi palagi ka nalang binubully sa school mo at gusto din namin na hindi kana maging isang nerd," sabi ni daddy. Yes you heard it right! Nerd ako kasi gusto kong mag-isa lang ako at palagi akong nagsusuot ng eyeglasses. 'Yun kasi minsan ang basehan ng iba. Basta looner at naka eyeglasses, nerd na.  Hindi ako sang-ayon na eninroll nila ako sa buwesit na academy. Actuality, hindi ko alam kung anong background ng academy pero ang chismis na narinig ko ay pangmayaman daw 'yun at ako ng pangmaharlika kaya hindi ako papasok sa academy-ing 'yun.  "I hope you will understand us." Naging malungkot ang ekspresyon ni mommy habang tinitignan ako.  "OK fine! Sigi I will try to understand you," sabi ko pero etchus ko lang 'yun kasi ayoko talang maenroll diyan sa letching academy na 'yan. "Thank you so much baby. I love you," saad ni mommy habang hinihimas ang buhok ko. How sweet pero ayoko paring maenroll sa academy na 'yun.  "Yeah, I love you too mom." Umirap ako ng kunti at buti nalang at hindi nila nakita kasi pagnakita nila 'yun, lagot ako.  "OK mag impake kana kasi maaga pa kayo bukas." Bumilog ang dalawang mata ko at halos mabilakan ako dahil sa sinabi ni daddy.  "What? Tomorrow na ang alis namin?" tanong ko habang nalalaglag ang mata ko. Joke. Hindi kaya nalalaglag ang mata.  "Oo bukas na kaya mag impaki kana." "OK fine." Padabog akong umalis sa dining room. Nakakainis! Bakit bukas pa talaga? Sobra naman ata silang nagmamadali.  Iniwan ko na sila doon at hindi na nakipagtalo kasi wala naman akong magagawa. As always naman na wala akong magagawa sa lahat ng desisyon nina mommy at daddy.  Nakita ako ni nanny kasi sinalubong kaagad niya ako. Siya pala ang personal yaya ko na sobrang bait.  "Hi good morning! Ahmm sorry kasi hindi ko nakausap ang mommy at daddy mo," malungkot na saad ni nanny.  "OK lang yun nanny. Ayos lang sakin." "Alam kung hindi OK 'yun," sabi niya "Halika ka na nga. Pumunta nalang tayo sa kuwarto mo para mag-impaki kasi maaga kapa bukas." Iginagaya niya ako papunta sa kwarto ko.  Tinulongan akong mag impaki ni nanny ng mga gamit at damit na dadalhin ko bukas kasi sa pagkakaalam ko, dorm in daw 'dun. Pagkatapos kong mag-impaki, nagbasa-basa ako ng mga libro. Ito ang libangan ko sa tuwing wala akong ginagawa.  Hindi ko na malayan na mag-aalas dose na ng tanghali kaya bumaba na ako para kumain. Pagkatapos kung kumain, bumalik kaagad ako sa kuwarto at nagbasa ulit ng libro.  Para sa inyo boring ang ginagawa ko pero para sakin hindi na, kasi sanay na ako. Walang ka thrill-thrill ang buhay ko at 'yun ang gusto ko. Mapayapa at walang masyadong nangyayari.  Sana may himalang mangyayari bukas. Sana sabihin ni mommy na hindi na ako matutuloy bukas. "Good luck to me because tomorrow is the starting of my darkest moment of my life," saad ko sa sarili ko at nagbuntong hininga.  Sana hindi na ako magising para hindi matuloy ang pagpasok ko sa dark royal academy kasi kuwento sakin ni kuya noon, nakakatakot daw ang academy na 'yun. Natatakot na rin tuloy ako. Ano kaya ang mangyayari sakin bukas?  __ Dahan-dahan kong sinusubo at nginunguya ang pagkain ko kasi ayokong pumunta kami na kami sa academy. Pero kahit anong gawin ko, naubos at natapos parin akong kumain kaya ibig sabihin niyan, aalis na kami.  Sobrang bagal ng lakad ko papuntang labas hanggang sa nagkasalubong kami ng driver.  "Hi Ms. Scarlet handa na po ang sasakyan niyo," sabi ng driver namin habang dala-dala ang bagahe ko at inilagay sa back compartment ng kotse.  "Sigi po pero sandali lang po kasi may pupuntahan lang po ako sandali. Pwede po ba?" Hindi ko na hinintay ang sagot ng driver dahil pumunta kaagad ako sa kusina at hinanap si nanny.  "Nanny!Nanny!" sigaw ko habang hinahanap si nanny at sa wakas na kita ko rin siya. "Nanny goodbye," pagpapaalam ko habang yinayakap si nanny. "Ano kaba wag ka ngang mag gogoodbye kasi babalik ka naman diba?" "Opo syempre babalik po ako pero mamimis ko po kayo."  "Ako rin mamimis din kita. Oh sigi na mukhang hinihintay kana ng driver sa labas," aniya habang kumakawala sa pagkakayakap sakin.  "Sigi po aalis napo ako," pagpapaalam ko sa tumayong magulang ko ng mahabang panahon kasi palaging wala ang mga magulang dahil sa negosyo.  "Mag iingat ka doon at bumalik ka dito?" Hinalikan ako sa noo ni nanny at sa tingin ko, mamimiss ko ang paghalik niya parati sa noo ko.  Naluluha akong iwan si nanny sa kusina at pumunta sa labas. Muli kong tinignan ang bahay namin bago pumasok sa kotse. Kailan kaya ako makakabalik dito? Kailan kaya ako makakabalik?  Nang makapasok ako sa kotse, si kuya ang unang bumungad sakin. "Hi Little sis," bati niya sakin. "Sis are you ready for your darkest moment of your life?" tanong niya na kinaiinis ko.  "Kuya can you shut up?" Ang sarap talaga batukan tong bakulaw kong kuya. Sobrang nakakainis kase.  Hindi na siya muling nagsalita na ikipapasalamat ko. Pumasok na ang driver namin at pinausan ang kotse. Tumingin ako labas at titigan ang bahay namin hanggang sa hindi ko na ito makita kaya umayos ako ng pagkakaupo. Kailan k aya ako muling makakabalik sa bahay? Ano ang kaya ang magiging buhay ko sa loob ng academy? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD