When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Eunah HINDI AKO halos nakapag-focus habang ini-interview ako kanina at hanggang sa kunan na ako ng picture. Ang anak ko naman ay iniwan ko lang sandali sa isang silya na malapit sa akin. Hindi ako makapaniwala na makikita ko sa lugar na ito si Walter, sa laki ng Maynila at ng Rizal. Sadya yatang hindi ko siya matatakasan. Nakatadhana na nga yata na magkita kaming muli kahit anong iwas pa ang gawin ko sa kanila. At hindi rin maalis-alis sa isipan ko ang hitsura niya kanina. Parang dinudurog ang puso ko. Nasaktan ko siya ng sobra. Kahit naman ako ay nahirapan din dahil minahal ko rin siya. Kaagad iniabot sa akin ng babae ang police clearance ko. Kanina ko pa rin pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Salamat po." "Next," tawag din nito kaagad sa sumunod sa akin. Kaagad ko na ring n