Carolline's POV HINDI ko alam kung paano ko naiuwi 'yong dalawang kotse ko. Kapag talaga naiisip ko na akin ang dalawang 'yon ay sobrang saya ko. Hindi ko tuloy maramdamang pagod na pagod ang katawan ko. Nakailang rounds ba naman kami kanina tapos nakipagkarera pa ako sa kaniya, binalikan ko pa 'yong kotse ko na premyo kay Francis. Super tiring day nga talaga! Nakangiting pinindot ko 'yong code sa condo unit ni Allen. Pumasok ako nang bumukas ito at bigla akong natigilan nang makitang nakatayo si Allen habang masamang nakatingin sa akin. OMG! Nakalimutan ko nga pa lang mag-uusap kami ngayon. Ilang beses pa akong napalunok bago lumapit sa kaniya. Nakatingin lang ako sa baba at iniiwasang huwag tignan si Allen kapag nagagalit. Alam niyo ba ang kasabihang... masamang magalit ang mga maba