Carolline's POV "It's positive." Naluluhang sabi ko habang hawak ang pregnancy test sa kanang kamay ko. Nakita ko ang dalawang pulang guhit doon na nagpapatunay na buntis nga talaga ako. Tama ang hinala ko. Napalingon ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphoneko. Nilapitan ko ito at binasa 'yong text. Franco: Nasa condo unit si Kuya. Puntahan mo na lang at huwag mong kalimutan 'yong sinabi ko sa'yo kanina ;) Parang kinilabutan naman ako sa paraan nang pagkindat niya. Napatitig ako roon sa hawak kong pregnancy test at napabalik ang tingin ko sa phone ko. Pabalik-balik hanggang sa may maisip akong idea. Nag-ayos ako ng sarili ko. Pupuntahan ko si Francis sa unit niya at dadalhin ko 'yong pregnancy test. Ayon ang pinakamagandang surpresa na makukuha niya mula sa akin. Kinuha ko ang