Allen's POV Habang nag-aasaran sila Franco at Jhoyce ay napansin kong hinila ni Francis si Carolline palabas ng bahay. Doon sila dumaan sa likod at posibleng sa pool area ang punta nila. Hindi na ako nag-atubili pang sundan sila. May mga times na nagseselos ako sa tuwing magkasama sila. Pero sa tuwing nakikita kong masaya naman si Carolline kay Francis ay hinayaan ko na sila. Ang sabi nga nila... Matuto kang pakawalan ang mabibigat na bagay dahil magiging masaya ka kapag ito'y iyong binitawan. Kahit na mahirap ay tinanggap ko lahat. Kahit na masakit, pinipilit kong maging masaya para sa kanila. Dahil ang tunay na kaibigan dapat nagsusuportahan. Tanggap ko na hanggang kaibigan lang kami at kahit anong mangyari hindi na magbabago 'yon. Ang kailangan ko na lang gawin ay mahalin ang sarili