Carolline's POV Kinabukasan ay nagising ako sa sunod-sunod na tawag na nanggagaling sa cellphone ko. Hindi ko magawang imulat ang mata ko dahil sa antok kaya kinapa-kapa ko pa ang cellphone ko sa may table sa gilid ng kama ko. Sino ba itong tumatawag? Hindi niya ba alam na nakakaistorbo siya sa pagtulog ko?! "Hello?" naiinis na sagot ko. Hindi ko na nagawang tignan ang caller at basta ko na lang pinindot at inilagay sa kanang tenga ko. "It's time for you to wake up. Get up, Carolline, and make sure to fix yourself. I'll be waiting for you here in the lobby." Napakunot naman ang noo ko nang ma-recognized ko kung kaninong boses 'yon. Magsasalita na sana ako nang binabaan niya agad ako. Ibinalik ko na lang ang pagtulog ko pero nainis lang ako na hindi ko na magawang makatulog pa. Bwisit