Carolline's POV Nakatingin lang ako sa likod niya habang papalayo siya sa akin. Nanalangin na kahit isang beses lumingon man lang siya. Hanggang sa hindi ko na siya matanaw, hindi man lang niya nagawang lingunin ako. Gaano ba kahirap gawin 'yon? Tuluyan nang pumatak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Batid kong nakatingin ang mga kasama namin sa akin pero hinayaan ko lang silang makita ang sakit na nararamdaman ko. "Are you okay?" tanong ni Allen sa akin. Tinignan ko naman siya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko na napigilan at niyakap siya ng mahigpit at sa kaniya ko binuhos ang sakit na nararamdaman ko. "Shh. Tahan na, alam mo namang ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak 'di ba?" Pagpapatahan sa akin ni Allen, mas lalo pa akong napaiyak nang haplusin niya ang