NOTE: Baka malito kayo. Ito po 'yong POV ni Francis noong tumawag ang Daddy niya sa kaniya at kailangan niya ng bumalik sa Maynila. Dito niyo malalaman kung bakit ganoon ang sinabi ni Francis kay Carolline. Francis' POV Kasalukuyang pabalik na kami ni Carolline galing sa kuweba nang makasalubong namin sila Allen at ang iba pa nitong kasama. Napatingin ako kay Franco nang matapos niyang tanungin si Carolline ng okay lang ba at humarap sa akin. "Kuya? Kagabi pa namin kayo hinahanap. Saan ba kayo nagpunta?" tanong nito kaya napakunot ang noo ko. "Sumilong muna kami sa kweba. Malakas ang ulan, delikado," tanging sagot ko. "Alam mo bang ilang beses na tumatawag sa akin si Daddy dahil hindi ka raw niya ma-contact. Nasaan ba 'yong cellphone mo?" "Naiwan ko roon sa may kubo, bakit daw?" "