Tama si Eve. Wala na akong pag-asa pang makatakas. Ayon pa rito, kahit matawagan ko ang aking ama... tiyak na mapapahamak lang ito.
Sino bang anak ang gugustuhin na mapahamak ang ama? Wala. Kaya naman ito ako ngayon, nakasalampas sa isang gintong hawla. Malaki iyon, sapat para sa tatlong tao. Pero wala akong lakas ng loob na tumayo pa. Katatapos ko lang din kasing magsisigaw, nagmakaawang pakawalan ako. Pero walang nakinig. Sinong makikinig? Lahat ng tao sa bulwagan ay may mapanganib na tingin na nakatutok sa akin. Mukhang lahat sila ay nais akong makuha.
Nagkalat na ang makeup sa mukha ko, ang suot kong kulay puting bestida ay bahagya nang nalukot. Dahil iyong frustration ko mula kanina ay roon ko binuhos. Mahigpit kong hawak iyon, habang umiiyak.
Kasalukuyan sinisimulan ang opening ceremony ng tournament. Nabigyan na ako ng tip ni Eve kanina, ang mga taong narito ay mga mapanganib na tao. May nakita pa nga akong isang lalaki, nakaupo sa pulang couch. Sa kamay nito ay may limang kadena, ang dulo'y nasa leeg ng limang babae na tanging panty lang ang saplot.
Diyos ko... kung ito ang makakuha sa akin ay tiyak kong matutulad ako sa mga babaeng iyon.
Itinuring akong prinsesa ni Nana Gara. Wala sa hinuha ko na makakakita ako ng ganito, worst is baka maranasan ko pa.
"Kitang-kita n'yo naman. Para siyang anghel. Kahit anong ipagawa n'yo sa kanya ay pwede n'yang gawin. Kung sino man ang manalo ay siya ang makapag-uuwi ng anghel na ito. Tiyak na kapag nanalo ka, hindi sayang ang 20 milyon na ginamit n'yo sa registration at lalong-lalo na ang lakas n'yo sa pakikipaglaban. Ang taonang tournament na ito ay sa tingin ko'y pinaka-exciting. Ako lang ba ang nakakaramdam no'n?" tanong ni Magda. Naghiyawan naman ang audience na waring ipinarating sa pamamagitan no'n ang excitement nila. "Akala ko naman ay ako lang. Mabuti naman at lahat tayo ay nagkakasundo sa isang bagay. Sa labang ito, matira ang matibay. Walang weapons, kung 'di sarili n'yo lang. Kung ano mang pandaraya ang naiisip n'yo para manalo, alisin n'yo na agad sa mga kokote ninyo iyan. Dahil may committee tayo na silang sisiyasat sa laban. Oras na nakitaan kaya nang kahina-hinalang kilos, ay tatanggalin kayo sa tournament na ito. Ngayong gabi, sisimulan ang tournament. Hindi ko tiyak kung ilang oras o araw ninyo matatapos ito. Pero let's the fun game... begin."
Muling nag-ingay ang lahat.
Diyos ko... nasa impyerno na yata ako.
Parang mga demonyong naghihiyawan ang madla. Sa karakas ng kanilang mga mukha ay halatang handang makipagpatayan at mukhang balak ding hindi sayangin ang kanilang pinambayad.
Sabay-sabay na sasampa ang lahat. Matira ang matibay.
Marami sa kanila ay matitipuno ang katawan. Halatang sanay at batak ang katawan sa ganitong klase nang palaro ni Magda.
May grupo ng mga kalalakihan na waring planado ang kampihan. Sila ang inaatake ng mga kalaban nila. Hindi ko alam kung iisa sila ng grupo, pero kita namang prinoprotektahan nila ang isa't isa.
"Nakikita mo ba sila, Franceska? Handa sila magbuwis ng buhay para sa 'yo. Kaya kung sino man ang manalo sa kanila, tiyakin mong agad kang bubukaka para naman masiyahan sila." Humagikgik pa ang babae na waring nakakatawa ang sinabi nito.
"Napakasama n'yong lahat." Malungkot ang tinig na ani ko rito. Nagkibitbalikat naman ito.
"Masama na ba iyong nais lang naman naming mag-enjoy? Kita mo iyang mga iyan, bored lang iyang mga 'yan. Walang magawa sa buhay kung 'di magwaldas ng pera, hanggang sa ma-satisfy nila ang mga sarili nila. Isa sa mga iyan ang magwawagi, ang makakakuha sa 'yo. Sana lang buhayin ka nila pagkatapos nilang pagsawaan ka." Akmang hahaplusin sana nito ang pisngi ko nang tabigin ko iyon, dahil inilusot lang naman nito ang kamay sa hawla, bahagya itong nasaktan dahil sa ginawa ko.
Nagalit ito, kaya naman hinawakan nang mariin ang aking panga. Napaigik ako sa sakit, may butil pa ng luha na umalpas sa aking mga mata.
"Huwag kang magmataas. Tiyak namang bago ka pa nakarating dito ay mula ka rin sa basura, basura kung saan ka pinilot nila Ice."
Muli kong tinabig ang kamay nito.
"Oras na makalabas ako sa lugar na ito, I'll make sure na babalikan kita." Nagbabanta ang mga kataga, pati na rin ang tingin ko sa ginang. Ngunit tumawa lang ito, hindi man lang kinabahan sa sinabi ko. Sino nga ba naman ako para katakutan nito? Baka nga sa lugar na ito'y siya ang reyna.
"Let's see, hija. Baka paglabas mo... iyon na rin ang oras nang kamatayan mo." Confident na tumayo at bumalik sa pwesto n'ya. Para nga siyang reyna na naupo sa kanyang trono.
Bumalik sa arena, kung saan nagpapatayan na ang mga kalalakihan. Kanya-kanya sila ng pwesto at nakikipagbugbugan. Hand to hand combat, halatang handa ring pumatay para lang mabawasan ang mga kalaban. Lahat ay nakatayo pa, pero ilan sa kanila ay dumurugo na ang labi, ilong at gilid ng kilay.
Tuwang-tuwa ang mga audience na naroon lang para makapanood ng gano'n klase ng karumaldumal na bagay. Mukha rin nagkakaroon pa nang pustahan ang mga ito kung sino ang matitira.
Sinubukan kong isa-isahin tignan ang mga naroon, halatang walang mapagkakatiwalan.
Ang maingay na arena ay biglang nagkaroon nang katahimikan nang bumukas ang bakal na harang. Doon ay pumasok ang isang lalaki na may suot na kulay itim na maskara. Kalahati lang ng mukha nito ang kita, pero ang prisensya ng lalaki ay nagdulot nang tensyon sa buong lugar. Nakita ko pang napatayo si Magda sa kanyang trono. Ito rin ang unang pumalakpak, habang ang mga lalaki kanina pa nakikipagbugbugan ay tulalang napatitig sa lalaki.
Kalmado lang namang humakbang patungo sa loob. Naghintay nang pag-atake ng mga kalaban.
Parang biglang nagkasundo ang mga manlalaro, hindi man sila nag-usap. Pero sabay-sabay silang bigla na lang umatake sa kararating lang na lalaki.
"That's Lion. Ang defending champion nang palaro kong ito." Hindi ko man lang namalayan na bumalik sa pwesto ko si Magda. Malawak ang ngisi nito, halatang tuwang-tuwa.
"Sa kanya ako pumusta. Confident akong darating siya at maglalaro ngayon. Pagmasdan mo, Franceska. Pagmasdan mo ang lalaking tiyak kong makakakuha sa 'yo. Kapag siya muli ang nanalo sa tournament na ito, tiyak na tiyak ko na ang kamatayan mo." Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki. Halatang sanay na makipaglaban. May mga nakakapasok na atake, pero hindi man lang ininda.
Habang pinanonood ko ito'y hindi ko maiwasang mag-cheer dito sa isipan ko. Sa lahat kasi nang lumalaban ngayon, ito ang may pinakamalakas na aura. Sunod-sunod ang pag-atake, pero nakukuha nitong i-counter attack.
Mabilis ang pagbagsak ng ilan sa kalaban nito. Patuloy pa rin nila itong pinagtulungan.
Pero balewala iyon.
"Mukhang hindi tatagal ang laban na ito. Akala ko pa naman ay aabutin ng ilang araw, pero dapat hindi na ako nagulat pa. Ganyan na ganyan talaga ang demonyong iyan, pinatutunayan palaging kayang-kaya n'yang itumba ang lahat." Dinig kong ani ni Magda. "Hindi marunong mag-aksaya ng oras n'ya. Worth to watch." Muli itong pumalakpak. Hindi itinago ang paghanga nito sa kakayahan ng lalaki.
Bahagya akong napapapikit sa tuwing napapatingin ako sa mga taong nagpapatayan. Hindi ako sanay na makakita nang karahasan. Kaya trauma ang tiyak kong mababaon ko paglabas ng lugar na ito.
Mahigit dalawang oras na ang nagaganap na bakbakan. May mga sumuko na, ang mga bumagsak ay kinuha na ng medics at inilabas para gamutin. Habang ang mga natira, ay patuloy pa ring nakikipaglaban. Pakiramdam ko'y pagod na iyong Lion. Gano'n din naman ang mga kalaban nito, pero kitang-kita pa rin ang advantage ng lalaki, kahit na mahigit sampu pa ang kailangan nitong itumba.
Grabe ang lakas nito. Natagalan nito ang laban, kahit na bugbog na rin ang katawan nito.
Muling lumipas ang mga oras. Si Lion na lang at ang isang lalaking sa tingin ko'y kasingkatawan din nito.
Mas lalong nag-ingay ang arena. May binibigkas silang pangalan, pero hindi iyon kay Lion. Mukhang si Magda lang ang tumaya para sa lalaki, at ang mga audience ay sa kalaban ng lalaki.
Parehong hingal na rin naman. Akmang hahakbang na si Lion para umatake sa huling kalaban, pero hindi na nito iyon naituloy. Bigla kasing sumuka ng dugo ang lalaki, saka siya bumagsak.
Tanging si Lion na lang ang natirang nakatayo. Nagkaroon nang mahabang katahimikan. Nang gumawi ang tingin ng lalaki sa pwesto ko, para akong sinasakal at hindi makahinga. Iika-ikang humakbang ito palapit sa akin. Binuksan naman ni Magda ang hawla kung nasaan ako, saka sapilitan akong inilabas doon.
"Wala ka pa ring kupas, Lion Man. Pinatunayan mo lang talaga na ang trono sa larong ito ay iyong-iyo lang talaga. Congratulations, ito na ang premyo mo." Saka ako itinulak ng ginang palapit sa lalaki. Sumubsob ang sa dibdib ng lalaki na basang-basa pa ng pawis. Agad akong umayos nang tayo.
"Let's go." Tipid na ani ng lalaki gamit ang malamig na tinig. Simpleng salita, pero agad akong napasunod. Kung ang demonyong ito ang siyang nakatakdang mag-alis sa akin sa impyernong ito, ituturing ko siyang tagapagligtas ko. Isang hero na habang-buhay kong pasasalamatan. Sana lang hayaan n'ya akong makalaya pagkatapos nito.