"Kalaban mo pala si Professor Denver sa business?" "Yes, Aurelia. Pero ang tiyak lang natin ngayon ay nandyan siya sa university dahil sa 'yo. Tiyak kong inaalam nito ang connection nating dalawa. Para makilala ako." "Hindi n'ya alam na ang asawa kong si Lion at ang kaaway n'yang si Leander ay iisa." "That's right." "Narinig ko kanina kahit saan pa raw lupain, uunahan ka n'ya. Para lang hindi matuloy ang mga plano mo." "May naisip ka bang counter attack?" tanong nito sa akin. "Sa ganitong masyadong petty na kalaban ay hindi mo na kailangan pag-isipan masyado ang plano mo. Kung uunahan ka ni Prof. Denver sa pagbili ng lupain, why not hayaan mo lang siya?" "What? That's not how it works, Aurelia. May mga plano ako, may mga schedules ang team ko na kailangan sundin." "I know. H