10

2043 Words
Sa ilang araw ko sa malapalasyong bahay na ito, ngayon lang napasarap ang tulog ko. Nagmulat ako ng mata. Iinat pa sana ako, ngunit napabalikwas ako nang bangon nang makita ko si Alip, Calipa, Renese, at Esperanza. Nakatayo ang mga ito at nakahanay sa paanan ng kama. Tuwid na tuwid ang kanilang mga tayo. Kaya naman nagulat talaga ako. "Anong ginagawa n'yo d'yan?" ani ko sa kanila. "Kailangan n'yo na pong bumangon, mia signora." "Bakit? Utos na naman ng amo n'yo?" sarcastic na tanong ko. "Aalis po kayo ni Signor." Agad akong gumapang patungo sa kanila. Si Renese ang nagsabi no'n. Kaya gusto kong makatiyak kung tama ba ang narinig ko. "Anong sabi mo? Sure ka d'yan?" mahinang tanong ko. Salubong ang kilay at naghihintay na kumpirmahin ang narinig ko. "Opo, mia signora. Kaya kailangan na po nating maghanda." May chance na akong makatakas. Iyon talaga ang nasa isip ko, kahit nang igiya ako patungo sa banyo ay wala akong naging reklamo. Mula ulo hanggang paa ay talagang nilinis nila. Parang nasasanay na nga lang din ako. Pati ang likod ko na tinanggal nila kanina ang cream na ginagamit upang takpan iyon ay nilinis talaga nila. Tinutuyo na nila ang katawan ko nang pumasok si Cleope. Wala ng bandage ang kamay nito, pero halatang maga ang kabilang pisngi nito. Gusto ko sanang tanungin ito kung ayos lang ba siya, at kung ano bang nangyari sa pisngi nito. Pero pabuka pa lang ang bibig ko'y sinamaan na agad ako nito nang tingin. Si Cleope ang nagmando sa apat na babae na tiyaking matatakpan ang aking tattoo. Pumasok din si Cleope sa walk-in closet na hindi ko pa nakikita kung ano na nga bang itsura ulit pagkatapos nilang lagyan ng mga damit. Paglabas ni Cleope ay sinalubong na ito ni Esperanza at kinuha ang puting damit na dala nito. Dahil ilang beses na akong nagsusuot ng puting damit, hindi na ako nagreklamo na puti na naman ang suot ko. Abot hanggang sakit ulit. "Kunin mo, Esperanza." Iyon lang ang sinabi ni Cleope, pero tumalikod na agad si Esperanza at lumabas ng silid. "Kapalan n'yo ang makeup n'ya." "Yes, Signora Cleope." Tugon naman ni Renese, ito ang pinakabihasa sa pagma-makeup. Ina-assist lang ito ni Calipa at Alip. Iyong makeup na ginawa n'ya ngayon sa mukha ko ay nagmukha akong matapang. Kulay pula ang labi na madalas ay pink ang inilalagay nila, minsan nga'y wala pa. Parang may dugo ang labi ko dahil sa tingkad nang pagkapula no'n. Halos hindi ko makilala ang sarili ko. "Aalis kayo ni signor, hindi ka pwedeng umalis sa kanyang tabi at makipag-usap sa iba. Siya lang ang pwede mong kausapin doon sa pupuntahan ninyo. Huwag mong tangkaing gumawa ng eksena. Dahil tulad ni Signor Lion, ang mga taong daratnan ninyo roon ay malulupit din at demonyo. Kaya naman iyong mga nabubuong balak sa utak mo'y tanggalin mo na. Ang isipin mo ay kung paanong hindi ka mawawala sa tabi n'ya." "Signora Cleope, hindi ba't ikaw ang palagi n'yang isinasama sa event na ito? Bakit biglang si Mia Signora Franceska na?" tanong ni Calipa. "I don't know. Wala rin akong pakialam kung bakit nag-iba na." Masungit na ani ni Cleope. Sabay abot nito kay Calipa ng jewelry box. Mas higit na magarbo ang alahas na naroon, kaysa sa mga alahas na ipinasusuot nila sa akin kapag narito lang sa bahay. Naglalakihan ang mga bata. Parang nakakatakot isuot ang mga iyon. Pero hindi ko rin naman naiwasang mamangha nang makita ko nang nakasuot iyon sa aking leeg. "Bagay." Puri ni Alip, ito naman ang nagsusuot ng hikaw sa tenga ko. Hindi ko maiwasang mangiti. "Masaya ka?" napatingin kami kay Cleope. Nakita pala nito ang pagngiti ko. "Huwag masyadong masaya, Franceska. Baka sa pagdating n'yo roon ay ikaw ang unang baunan ng bala ng mga daratnan n'yo roon." Ang ngiti'y napalitan ng simangot. "Kaya ba ako ang pasasamahin mo? Dapat ikaw na lang, Cleope!" nanulis ang nguso ko. Hindi ko alam kung ngiti ba or ngisi ang gumuhit sa labi ng babae. Ang bilis din kasing naglaho. "Good luck, mia signora." Tugon lang nito. Mukhang kailangan ko nga ng good luck. Bumalik si Esperanza. Bitbit na nito ang isang itim na maskara na katulad ng kay Lion. Takang napatitig ako roon. Si Cleope ang nagsuot no'n sa akin. Mahigpit iyon, pero komportable namang isuot. Tulad ng kay Lion, gano'n din ang kinalabasan ng sa akin. Mata lang at half ng face ko ang kita. "Hindi iyan matatanggal. Ito ang pang-unlock sa likod." Iniabot sa akin ni Cleope iyon. "Hindi mo iyan tatanggalin, dahil kapag natandaan ng mga tao ang mukha mo. . . tiyak na papatayin ka nila." "Tama na ang pananakot, Cleope." Saway ko. "Mia signora, hindi ka po tinatakot ni Signora Cleope. Dahil totoo po ang sinabi n'ya." Napabuntonghininga ani ni Calipa. May possibility nga na mamatay ako sa pupuntahan namin ni Lion. Gagamitin ba akong pain ng lalaki? Ang sama naman talaga n'ya. Nang matapos nila akong ayusan ay lumabas na kaming lima. Naghihintay na sa living room si Lion na tulad ko'y nakamaskara pa rin. Kulay itim ang suot nitong tuxedo. Ang brusko ng dating, pero hindi maitatanggi na bagay rito ang ayos n'ya. Humahanga ako sa physical n'yang anyo. Kahit na hindi ko pa nabistahan ang kanyang itsura. Pero wait. . . hindi ko ito dapat hangaan. Masama ito. Tama, demonyo ito na dapat galit lang ang maramdaman ko rito. "Let's go." Pormal ang tinig na ani ng lalaki. Sumunod kami rito. Nakabukas na ang pinto sa backseat pagdating namin. Nakatayo roon ang isa sa tauhan nito at naghihintay na makasakay kami. Naunang sumakay si Lion. Bahagya akong itinulak ni Cleope para kumilos at sumakay na. Naglahad ng kamay ang tauhan nito upang alalayan akong sumakay. Nang hawakan ko ang kamay nito, nagsalita si Lion. "Don't touch her." Para tuloy napapasong binawi ng tauhan nitong nagmagandang loob lang ang kamay n'ya. Kaya nang sumakay ako sa kotse, wala nang umalalay sa akin. Isinuot ko na rin ang seatbelt ko. Dahil umusad na agad ang sasakyan pagkasarang-pagkasara pa lang ng pinto. Pasulyap-sulyap ako kay Lion habang nasa biyahe kami. Ngunit hindi ako nito pinansin. Iniabot pa rito ng lalaking nakaupo sa passenger seat ang laptop, kaya buong-buo na naroon ang atensyon ni Lion. Hindi pamilyar sa akin ang tinatahak naming daan. Gano'n siguro talaga kapag ang pamilyar lang na daan ay school at bahay. Then after the accident, literal na bahay na lang ang pamilyar sa akin. May isang bayan kaming dinaanan. Pero paglagpas namin sa bayan na iyon ay wala na naman akong nakitang establishments. Isinara na ni Lion ang laptop n'ya. Sa cellphone naman siya na busy. May kausap siya. Spanish ang language. Dahil Spanish, wala akong naintindihan. Paulit-ulit pa nga ito sa pagsabi ng 'Mátalo' pero hindi ko alam kong anong ibig sabihin. Pagkatapos makipag-usap ay agad na rin nitong ibinaba. Malayo pa yata kami. Kaya naman isinandal ko na lang ang sarili ko sa upuan. Matutulog muna ako. -- Naramdaman ko na para akong nakalutang. Sa sarap nang tulog ko, hindi ko namalayan na huminto na pala ang sasakyan. Ngayon ay nakalutang ako sa ere, I mean may nakabuhat sa akin at nang mag-angat ako nang tingin ay tumambad sa akin ang lalaking nakamaskara. Siya ang may buhat sa akin. Pero dahil sa antok ko, muli lang din akong napapikit. Basta narinig ko pa ang paghampas ng alon. Kung balak n'ya akong lunurin ngayon, siya na ang bahala. Nang muli akong magising ay nasa kama na ako. Nang iba ko ang tingin ko sa paligid at dumeretso sa bintana, nakita ko ang karagatan. Agad akong bumangon at sumilip pa. Nasa isa kaming yate. Gising na ako, pero hindi ako nagtangkang lumabas. Natatakot akong baka sa paglabas ko'y may makasalubong ako, dito siguro ang ruta namin sa yateng ito. Pero rito ba ang event? Paano kung lumabas ako at matiyempuhan ng mga taong possible na magbaon ng bala sa ulo ko? Grabe sa pag-o-overthink. Pero anong magagawa ko? Well, iyon nga. Mag-overthink na lang ang kaya kong magawa sa sitwasyon ko. Bumukas ang pinto, kaya napabalik ako sa gitna ng kama at napasiksik. Tumambad sa akin ang lalaking naglagay sa akin sa sitwasyon na ito. Pumasok ito ng silid, kasunod ang dalawang lalaki na may dalang tray. Ipinatong nila sa table ang mga iyon. Tapos isang kumpas lang ni Lion ay umalis na sila. "Mangiamo." Let's eat daw, pero hindi ko alam kung kikilos ba ako. Pero nang maupo ito at makita kong may kinuha ito sa tagiliran n'ya, agad na akong kumilos para sumunod. Baril kasi iyon. Naupo ako sa katapat nitong upuan. Baka galawin na naman nito ang baril, kaya kahit hindi n'ya inulit ay nagsimula na akong kumain. "Pwede mong tanggalin ang maskara mo." Seryosong ani ng lalaki. Pero umiling ako. Baka kasi atakihin kami rito, tapos makikita nila ang mukha ko. Tapos papatayin nila ako. Napangiwi ako, bumagal din ang pagnguya ko. "Nabilinan ka naman siguro ni Cleope." Tumango ako. Nilunok muna ang laman ng bibig, saka uminom ng juice. Pagkatapos no'n ay saka ko lang siya tinignan. "Huwag daw akong lalayo sa 'yo. Hindi ako lalayo, promise. Pero kung mamatay man ako roon, tiyakin mo na maibabalik mo ang bangkay ko sa pamilya ko. Ang papa ko ay si Dexter---" "Stop. Eat." Ilang words lang iyon, kay tipid namang magsalita ng lalaking ito. "Saan tayo pupunta? Para kapag namatay ako at tanungin sa langit kung saan ako galing at saan ang death place ko, at least alam ko ang masasagot ko." "Shut up." Sabi ko nga, hindi na dapat ako nagsalita. Nagpatuloy ako sa pagkain, nagsimula na rin itong kumain. Wala talagang nagkibuan sa amin. Nang matapos kaming kumain ay may dumating na tauhan at siyang nagligpit sa kinainan namin. Si Lion ay nakita ko pang naupo sa kama, sunod ay humiga roon. Kalmado ang lion. Pero mas nakakatakot ang kalmadong lion. Dahil hindi magiging tiyak ang isang tao kapag umatake ang isang iyon. Tinungo ko ang couch ng kami na lang dalawa. Humiga ako roon, habang si Lion ay nasa kama. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na maglalayag. Pero ilang oras ang lumipas. May kumatok na at inanunsyo na nakarating na kami. Bumangon agad ang lalaki. Ako na kagigising lang ay wala pa sa sariling nagpapalinga-linga. Lumapit si Lion sa akin. Pinakatitigan ako nito. Bigla tuloy akong na conscious. "Let's go." Yaya nito. Hinawakan n'ya ang aking kamay, pero hindi agad ako nakatayo dahil hindi ko pa suot ang T-strap sandals ko. Binitiwan ako nito, binalikan sa mesa ang baril n'ya. Isinuksok n'ya sa tagiliran iyon at iniayos ang itim n'yang tuxedo. Saka bumalik na naman sa tapat ko at hinintay akong matapos sa pagsusuot ng sandals. Nang matapos ako'y naglahad ito ng kamay. Agad ko iyon tinanggap dahil halos mag-level ang mata ko at ang baril nito. Hawak nito ang kamay ko nang lumabas kami. Ang kaninang normal na t***k ng puso ko'y kumabog-kabog. Sobrang bilis. Gano'n siguro talaga kapag hindi tiyak sa magiging kapalaran sa labas. Nang makalabas kami ng malaking yate, tumambad sa akin ang nakahanay na tauhan ni Lion. Kahit papaano naman ang pamilyar ako sa mga mukha nila. Sila iyong naghatid sa akin sa palasyo ng lalaki, sila rin iyon nakabuntot sa amin kanina habang bumabiyahe. Hawak pa rin ni Lion ang kamay ko, habang pababa kami. Nang sumampa siya sa kahoy na tulay, susundan ko na rin sana siya. Pero walang kahirap-hirap na binuhat n'ya ako at iniangat saka hinayaan makatayo sa kahoy na tulay. Wala itong imik. Hinila na naman ako pasunod sa kanya, nakasabay naman na ako sa paglalakad nito. Ang mga nakahanay na guards ay sumunod na rin sa amin. Pansin ko na maraming yate ang nakadaong sa islang ito. May dalawang helicopter pa ngang nakalapag sa helipad. May lalaking pormal ang expression na naghihintay sa amin sa dulo ng hagdan. Tulad ni Lion, may mga tauhan din ito sa likuran kung saan nakahanay nang maayos. Mahigpit ang hawak ni Lion sa palad ko, sa paglapit namin sa lalaki. Hindi ko maiwasang humigpit din ang hawak sa kamay ng lalaking kasama ko. Pakiramdam ko kasi ay sisintensiyahan ako ngayon. Lalo't matalim ang tingin ng mga taong dinatnan namin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD