Gabi-gabi na kaming magkatawagan ni Lion. Oo, nadala ako nang pa-magazine nito. Marupok na akong tao ngayon. Magkaiba man kami ng oras nito, dahil nasa Italya siya. Naglalaan talaga ito ng oras para makapagbebe time kami. Tapos na naman ang klase ko, pauwi na kami. Binabaybay na namin ang daan pauwi. Sa totoo lang ay hinihila ako ng antok, nakasuot naman ako ng seatbelt kaya komportable ako in case na makatulog ako. Papikit na ang mata ko. Nang bigla na lang parang may tumama sa bintana ng sasakyan. Nang mag mulat ako ng mata ay nakita ko ang isang lalaki na nakasakay sa motor. Ang baril n'ya ay nakatutok sa akin. Sa backseat ng sasakyan. Naging alerto ang driver ko, si Mr. Kim ang nagmamaneho ngayon. Himala nga, dahil kaninang umaga ay nagpalit ng team. Ang grupo ni Mr. Kim ang kasama