“Ang ganda!” namamanghang saad ko nang nasa bangka na kami. Ang dami kasi naming nadadaanan na mga rock formation. Malinaw din ang asul na tubig kaya kitang kita namin ang maraming mga isda sa tubig dagat. Lahat kami ay abala sa pagkuha ng kanya kanyang mga picture. May mga pagkakataon na ang mga madadaanan namin ang pi-picture-an ko, may mga pagkakataon naman na magkasama kami ni Elliot, at minsan ay kasama rin namin si Sandro. “I’m going to post this on social media!” nakangiting saad ko sa huling picture na nakuha ko. Kasama ko ro’n sina Elliot at Sandro, nakapagitna ako sa kanilang dalawa at nakangiti kaming tatlo, kuhang kuha pa sa likod ang isang malaking rock formation at asul na tubig dagat na siyang mas lalong nagpaganda sa larawan. “Oh no…” bulong ko kaya napalingon silang l