The next day, I woke up at around seven in the morning. Mga bandang alas onse ng gabi ay tinapos na rin nila ang inuman nila. Hindi naman sila masyadong nalasing kasi pampatulog lang daw talaga. At siyempre, hindi pinalampas ni Elliot ang gabi na hindi kami nagme-make love. Pumayag naman ako. Sino ba ako para tumanggi gayong parang isang Greek God ang nanunukso sa akin, hindi ba? But we only did it once last night. Pagkatapos kasi ay naligo na kami at nagpasyang magpahinga na. Dahil ako ang naunang nagising ay nagpasya ako na magluto ng agahan para sa kanila. Mabuti na lang ay may kaning lamig. Hindi kasi masyadong nabawasan iyong niluto ni Bry kagabi. Napangiti nga rin ako nang makita na may tuyong isda sa gilid ng lababo. Nakalagay ito sa isang babasaging garapon at mukhang mamahalin.