“Mga bakla kayo ng taon!” pigil ang tili na saad ni Ken. “Pinagsabay niyo pa talaga, ah?” dagdag pa niya, pero hindi naman maalis ang ngiti sa labi niya. “This is going to be fun!” kinikilig naman na wika ni May. “Pasensiya na kung ngayon lang namin nabanggit sa inyo. Medyo busy kasi kami ni Rome these past few days, eh,” saad naman ni Zoe. “Naku, hindi na importante iyon! Ang mahalaga ay ikakasal na kayo!” excited na saad naman ni Ken. “Sa totoo lang hindi pa rin ako makapaniwala,” ani Ana. “I mean, hindi ako ang ikakasal but everything feels surreal!” giit pa niya. “Ganyan din ang nararamdaman ko,” sagot ko naman habang nakangiti. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na sa dami ng mga masasakit at mahihirap na pinagdaanan ko ay may happy ending pa rin pala ako sa huli? Hindi ako sigur