It’s already 10:00 in the evening and they were still drinking. Gising na gising pa ang mga diwa nila at masayang nagkukuwentuhan. Kung sabagay, maging ako ay hindi pa naman inaantok at wala pa akong balak na magpahinga. Nag-eenjoy rin kasi ako sa pakikinig sa masaya nilang usapan kahit pa gatas ang iniinom ko. “I think we forgot to do something!” mayamaya lang ay sigaw ni Zoe, natahimik naman ang lahat at napalingon sa kanya. “Bonfire!” dagdag pa niya kaya napatango ang lahat. Oo nga pala, isa iyon sa mga balak nilang gawin. Ang uminom habang nakapalibot sa bonfire at sabay sabay na kumanta habang naggigitara. “I’ll go set it up,” nakangiting saad ni kuya Aries at agad na tumayo. “Tulungan kita, kuya,” wika naman ng kapatid ko. “Kukunin ko iyong gitara sa loob!” excited naman na saa