DUMATING ang team nila sa headquarters at agad pinasok sa selda ang tatlo. Habang ang isang anak ni vice-mayor ay kasalukuyang nasa hospital at hindi pa nakarating sa headquarters. "Polong…" sambit ni Divlen at kasalukuyang binubuksan nito ang pintuan ng rehas. "Nandito na ang daddy mo, hindi ka na mababagot dyan sa kinaupuan mo. Dahil malapit na kayong buong pamilya na hihimas sa rehas." "F*ck you, bitc—" naputol ang sasabihin niya, "Dad?" bubulas nito nang makita ang mukha ng ama niya. "Dad, what happened?" gulat niyang tanong, nang makapasok na sa selda ang ama nito. "Natimbog ang ating warehouse house at nahuli rin ang kapatid mo," malungkot nitong tugon. "Si Jonred, nasaan?" pag-alala na tanong ni Polong. "Wala ba dito?" Gulat rin ang reaksyon ng ama niya. "—b***h! Nasa