Dumating ang araw ng kanilang kasal at excited ang lahat ng mga bisita na dumating sa simbahan. At lahat ng mga choirs ay naka handa na para sa una nilang kanta na pinahanda ni Jhapdel sa kanila. Ang 'Habang May Buhay'. Samantala paalis na ang mag-partner sa bahay nila Jester. Nang bigla siyang kinabahan nang husto kaya hindi niya maiwasan na ipagtapat sa kanyang partner. Ang gamit nila na sasakyan ay ang bagong bili ni Jhapdel na isang toyota Corolla. Regalo niya ito kay Divlen at hindi alam ni Divlen ang tungkol nito pero nakapangalan ito kay Divlen. "Partner, alam mo bang kanina pa ako kinabahan nang husto," turan niya sa kanyang katabi. "Pakner, ganoon talaga ang pakiramdam sa ikakasal dahil ganyan din ang naramdaman ko noong ikinasal kami ni Tom," paliwanag niya sa kanyang partne