UMALIS si Divlen sa naturang lugar at ang bawat bangkay ba nakahandusay ay nilagyan niya ng karton at mayroong nakasulat na, 'Killer Kami Huwag Tularan!'. At sinadya rin niyang iniwan ang phone sa ilalim ng manibela at nilagyan niya ng pangalan ang anonymous number sa pangalan na, 'Mrs. Jamalon'. SAMANTALA, dali-daling tinawagan ni Mrs. Jamalon, ang asawa niya na kasalukuyang nasa Casino. Nang mag-ring ang phone nito at ang asawa niya ang nasa kabilang linya ay dali-dali niya itong sinagot. "Yes, honey?" boses ni vice-mayor. "Nasaan ka?" pabagsak na tanong ni Mrs. Jamalon. "Nasa Casino, may problema ba?" kalmado ang tanong nito. "Utusan mo ang ibang tauhan mo, ipapahanap mo ang mga bangkay ng tauhan natin! Dahil siguradong masisira ang imahe mo bukas!" galit nitong turan. "Godda