NAPUTOL ang pag-uusap ng dalawang lalaki nang makapasok ang mag-partner.
"Mabuti at nandito na kayong dalawa, maupo kayo!" Alok ni General.
Sa paglingon ni Herrera ay nagulat siya at hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
"Inspector, Detective! Kumusta kayo?" nakangiti na bati ni SPO2. Herrera, na biglang bumilis ang t***k ng puso niya sa muli nilang pagkikita ni Divlen. Ang babaeng lihim niyang minahal.
"Ito, pregnant for the second child," tugon ni Jester at sabay haplos sa kanyang tiyan.
"Divz, ikaw kumusta ka na?" Biglang napawi ang kaniyang ngiti nang titigan nito ang dalaga.
"Okay na ako at buhay pa rin. Ikaw, kumusta?" balik tanong niya.
"Ngayon, masaya ako kasi, nakita kitang muli." Biglang pag-amin ni SPO2. Herrera, na kahit siya ay hindi makapaniwala sa nasabi niya.
"W-what I mean ... Masaya ako kasi nakapasyal kayong muli dito." Dali-dali niyang bawi sa nasabi.
"Actually, dito na sila nakadestino. Kaya ko kayo ipinatawag, dahil gusto kong sabihin sa inyo na kumuha ako sa hanay ng kapulisan para idagdag sa pag-imbestiga para sa kasong hawak ninyo. Dahil sa tingin ko ay kailangan n'yo siya. Masyadong mabigat ang kaso na inyong hinawakan at isa pa ay buntis ka Inspector Robinson. Hindi ka puwedeng magpuyat nang sobra," paliwanag ni General Villanueva.
Dahil sa narinig ni SPO2. Herrera ay nasiyahan ang kanyang puso. Dahil mas mapalapit at magkasama na niya araw-araw si Divlen.
"Magandang ideya iyan, General. Lalo na ngayon ay may mga suspek na tayo sa kasong ito," pagsang-ayon ni Jester.
Si Divlen naman ay nanahimik lang sa kanilang usapin dahil wala namang problema sa kanya.
"So, paano! Lalakad na kami, General?" putol ni Jester sa kanilang pag-uusap.
Pagkatapos nilang mag-pulong ay tumuloy na sila sa kanilang lakad at si SPO2. Herrera na ang nagmamaneho para sa kanilang misyon.
"Hindi ako makapaniwala na dito na pala kayong dalawa nagpa-assign," pahayag niya sa mag-partner.
"Paano kasi, itong partner ko ayaw akong iwan sa Cebu!" tugon ni Divlen.
"Siyempre! Hindi kaya ako mabubuhay kung wala ka!" seryoso naman na turan ni Jester.
"Kumusta na pala si Tom? Hindi pa kasi kami nagkikita."
"Okay naman siya, kahit busy sa negosyo ay may oras pa rin sa pamilya niya."
HANGGANG sa nakarating sila sa malaking tindahan ng sasakyan. Doon sila unang nag-imbestiga ngunit bigo silang makakuha ng impormasyong kailangan nila. Iniisa-isa nila ang bawat madaanan na malaking tindahan ng sasakyan at hindi sila tumitigil sa araw na iyon.
Hanggang sa natunton nila ang binilhan ng sasakyan at agad silang kumuha ng mahalagang impormasyon. Nalaman nila ang pangalan nang may-ari nito. Isang kilalang tao sa naturang siyudad, si Mr. Lito Cabuslay. Kinuha nila ang kompletong address nang may-ari, at binigay naman ito sa kanila.
Pagkatapos ng kanilang mission ay hinahatid na sila ni SPO2. Herrera, sa bahay ni Tom. Pero bago siya umuwi ay pinababa muna siya ni Jester, upang magkita sila ni Tom.
Si Divlen nama ay naunang nagpapaalam at umakyat na ito sa kanyang kuwarto at doon ay nag-emote na naman.
--AMERICA--
Sobra ang pagpapaganda ni Jamela sa gabing iyon, para lang mapansin ng kaniyang asawa. Sapagkat first-year anniversary wedding nila ni Collin. Naghanda siya ng mga candle lights para sa kanilang dinner.
Subalit mag-alas-nuwebe na ngunit hindi pa rin dumating si Collin. Naiinis na si Jamela, pero pinilit lang niyang pinigilan ang sarili at naghihintay pa rin siya sa asawa kahit sobra na ang galit niya para rito.
Pasado alas-diyes ay dumating si Collin, at medyo nakainom ito. Pagpasok pa lang niya sa pinto ay agad siyang binato ni Jamela ng plato. Nabigla naman si Collin sa paglipad ng plato sa kanyang harapan at muntikan siyang matamaan.
"My God! What are you doing, Jamela?!" he shouted.
"What am I doing? You asked me?! " she asked angrily. "Alam mo ba na naghihintay ako nang ilang oras?! Pinagpaguran ko na maghanda ng dinner natin tapos ganito lang?!"
"Bakit?! Sinabi ko ba sa iyo na maghanda ka? Sana tumawag ka muna bago mo ginawa para alam ko!"
"Lage na lang ba tayong ganito, Collin?! Mag-asawa nga tayo pero hindi naman tayo magkasama sa isang kuwarto. Ni hindi ko man lang maramdaman na asawa mo ako!" umiiyak nitong pahayag.
"Listen! Nagpakasal ako sa 'yo dahil sa kasunduan natin, tinupad ko iyon kahit nagdurusa ako ngayon! At alam mo iyan sa simula pa lang. Alam mo rin na hindi ikaw ang babaeng minahal ko at ang gusto kong pakasalan! Always remember this, kahit kailan ay hindi mo siya mapapantayan!" Sabay lakad nito tungo sa kaniyang kuwarto.
Lalong nagalit si Jamela sa kanyang mga narinig at muli siyang kumuha nang isa pang plato, at ibinato niya sa asawa, tinamaan sa likuran si Collin at nakaramdam ito nang konting sakit ngunit nagtitimpi na lang siya at nagtuloy sa pagpanhik sa itaas
"Baka gusto mong ipaalala ko sa 'yo na kung hindi dahil sa akin ay patay na ang malanding babaeng iyon!" Pahabol niya sa asawa.
Huminto naman si Collin at lumingon kay Jamela. "Yes! I will never forget that! That is why I am now suffering. Because you saved my loved one's life, and thanks for that!" Collin turned around and entered his room at the same time.
Walang nagawa si Jamela, kaya umalis na lang ito ng bahay at pumunta sa bar. Doon nito binuhos ang lahat-lahat nang galit niya sa asawa at hindi nito namalayan ay nalasing siya.
Hanggang sa may isang lalaking lumapit sa kanya at nagpapakita ito nang motibo. Natukso naman si Jamela sa ngiti ng lalaki kaya ngumiti rin ito, ngiti na may dalang pang-aakit. Hanggang sa nagpakilala sa isa't-isa.
Magkasama ang dalawa na umiinom at parehong lasing na ang mga ito.
Hanggang sa nagpasya ang dalawa na lumabas at nagpunta sila sa bahay ng lalaki at doon ipinagpatuloy nila ang kanilang kasiyahan. At
sa kuwarto ang kanilang bagsak, pinagsaluhan nila ang init ng kanilang mga katawan at parehong nakaraos. Doon na rin inabutan nang umaga si Jamela.
Ang isang beses nilang pagkikita ay nasundan pa nang paulit-ulit at inilihim ito ni Jamela kay Collin. Dahil para sa kanya ay unti-unting nakalimutan nito ang problema niya sa pagsasama nila ni Collin.