UMUPO si Collin sa ibabaw ng kama at pinagmasdan ang asawa niyang nakatayo sa tapat ng pinto. Lumingon si Divlen sa kaniya at tinitigan niya ito. Sobrang naawa siya rito dahil banaag sa mata nito ang kalungkutan at hindi niya ito kayang makita sapagkat parang puso niya ang hinihiwa. "Hahanapin ko ang anak natin," malambot niyang tugon. "Bukas na, hon. Masyado nang malalim ang gabi," nanatili pa ring mahinahon ang boses niya. "Hon, hindi ako makatulog useless lang kung hihiga ako at walang ginagawa." "Tomorrow na, hon. Don't worry, hindi ako pupunta sa company sasamahan kita sa paghahanap. Pero sa ngayon ay magpahinga ka muna. Please..." pakiusap ni Collin. Tila lumambot ang puso nito dahil sa please ng asawa niya. Muli niyang hinubad ang leather jacket at laylay ang mga balikat na