Mutual understanding

1340 Words
I SEE A MONSTER CHAPTER SEVEN Halos dalawang linggo na si Arkanius na kasama si Abegail. Subalit sa mundong kanyang pinanggalingan ay katumbas lamang iyun ng apat na araw. Nasa bakuran sila ng bahay at kasalukuyang nag- eensayo ang dalaga para makabisado na nito ang paligid kahit na mag- isa na lang ito. Natutuwa naman si Arkanius dahil nagagamay na ito ng dalaga, wala na naman ang Yaya nito kaya may oras at pagkakataon na naman sila. "Good job! You can have a break now Abby," wika ng binata. "Thank you! Although nagtataka pa rin ako kung bakit meron akong matalas na pakiramdam at pandinig after I lost my eyesight." Sagot ng dalaga. Naglakad ito papalapit sa binata at kinapa ang uupuan nito. Hindi sumagot si Arkanius, ayaw niyang sagutin ang dalaga. Baka kapag malaman nito ang katotohanan ay magalit ito sa kanya at layuan siya. "Hindi ka na naimik diyan, nami- miss mo na ba sa inyo?" untag ng dalaga. "Yeah! But, wala pa akong planong bumalik. Saka na lang ako babalik kapag sure na akong okay ka na," tugon ng binata. "Sus! Ang sweet mo naman, lagi mo na lamang 'yan sinasabi sa akin. Siyempre, nangangailangan ka ng tulong kaya tinulungan kita." Sagot ni Abegail. "I'm very much thankful talaga, kung hindi dahil sa'yo patay na sana ako." Turan ni Arkanius. "You're welcome and thank you also because you were there for me. You accepted me as what I am, no doubt and no judge." Masayang tugon ni Abegail. Tumawa si Arkanius at ginulo ang buhok ng dalaga. Bigla itong tumayo, at saka tumakbo. "Find me Abby! Show me what you've learned!" sigaw nito. Napangiti si Abegail, tumayo ito at pinakiramdaman ang paligid. Naririnig niya ang mga yapak ni Arkanius na papalayo. Sinundan niya ang kanyang narinig saka siya napatigil dahil alam niyang tumigil ang binata. Nilingon niya ang gawing kanan niya at muling nakiramdam. Hindi siya humakbang, nanatili lang siyang nakatayo. Napapangiti siya, alam niyang maingat na humahakbang ang binata pabalik sa kinaroroonan niya. Umatras si Abegail, nagkunwari siyang hindi alam kung nasaan si Arkanius. She even change her direction, kumaliwa siya. Humakbang siya at normal na naglakad. Aakalain mong hindi ito bulag dahil sa diretso lang itong naglalakad. Muli itong huminto at nakiramdam, napangiti ulit siya. Si Arkanius nasa kanyang likuran limang metro ang layo sa kanya. Humakbang itong muli, humakbang din ang binata. Biglang tumigil si Abegail at mabilis humakbang paatras at nahawakan niya ang balikat ng binata. Sa isang iglap, sinaklit niya ito at pinatumba sa lupa. Napadaing tuloy ang binata. "Ouch! It hurts and you're fast!" wika nito. "Sorry! Napalakas ba?" sagot ng dalaga at kinapa ang binata na nakahandusay pa rin sa lupa. "Yes! Para akong nakipaglaban sa sampung kabayo," tugon ni Arkanius. Natawa ang dalaga sa sinabi ng binata. "Grabe ka naman! Kabayo talaga ha?" angal ng dalaga. Napangisi si Arkanius at saka bumangon. Pinagpag nito ang damit saka pinigilang 'wag matawa. "Alam ko natatawa ka," biglang sabi ni Abegail. Natigilan si Arkanius. Nakamot niya ang kanyang batok. "Hanep, pati 'yun alam mo?" bulalas ng binata. Nameywang si Abegail at ikiniling ang kanyang ulo. "Sabi ko na sa'yo, matalas ang pakiramdam ko at pandinig. Alam ko rin kung nagsisinungaling ka o hindi," saad ng dalaga. "Okay, okay! I surrender, you win and I lost. So, kaya mo na ngang mag- isa," wika ng binata. Biglang nawala ang ngiti ni Abegail. Napalunok ito at hindi nagsalita. "I'm just kidding!" biglang sabi ni Arkanius. "Akala ko, iiwan mo na ako!" sagot ng dalaga. "Bakit ayaw mong iwan kita?" tanong ng binata. "Hindi naman sa ayaw, bakit ang aga naman yata kung gano'n." Malungkot na wika ni Abegail. Inakay siya ni Arkanius sa ilalim ng malaking puno at pinaupo ang dalaga sa upuang naroon. "One day, maghihiwalay tayo. Hindi mas maganda kung habang maaga pa ay, maghiwalay na tayo ng landas?" sabi ng binata. Napipilan si Abegail. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagsikip ang kanyang dibdib. Kusang tumulo ang kanyang mga luha kaya agad niyang pinunasan ng kanyang mga palad. "Hey, did I make you cry?" nag- aalalang tanong ni Arkanius. Umiling si Abegail at pinilit ngumiti. "Wala ito, I'm okay don't worry!" pagkakaila ng dalaga. "Abegail, I know also when you're lying or not. Sa ikli ng ating pagsasama, kilalang- kilala na kita. I know when you are happy or lonely, especially when you are hungry or not." Saad ng binata. Sukat- dokn ay natawa nang mahina ang dalaga saka hinampas sa braso ang binata. "Sira!" bulalas nito. "Ayan, nakangiti ka na ulit." Wika ni Arkanius. "Pinaiyak mo ako eh!" maktol naman ni Abegail. Piningot naman ni Arkanius ang magkabilang pisngi ng dalaga. Aaminin ni Abegail na may epekto ito sa kanya, biglang nag- init ang kanyang pisngi at namula. "Pansin ko, parang hindi yata nagagawi ang Mommy mo rito." Kapagkuwan ay sabi ni Arkanius. "Very busy 'yun, mas importante pa ang kanyang work kaysa sa akin. Unlike my Dad, he's always there for me." Sagot ng dalaga. "Mabuti ka pa may mother, ako kasi wala na since nagkaisip ako." Malungkot namang tugon ni Arkanius. Natigilan si Abegail at nalungkot. "Sorry," mahinang sabi ng dalaga. "It's okay! My father was very strict to me, wala kaming gaanong bonding." Sagot ng binata. "Bakit kaya ano? Parang pinagtagpo nga tayong dalawa. Ikaw wala ka ng Mommy, ako wala na rin akong Daddy. Ano kaya kung pagtagpuin natin silang dalawa?" wika ni Abegail. "Kung puwede nga lang bakit hindi? Pero sabi ng Tito ko, kapag daw may gusto kang abutin o wish na matupad tumingin ka lang sa kalawakan. Tapos, magdasal ka ng mataimtim, kausapin mo ang nakikita mong liwanag at ito ay magkakatotoo." Sabi ni Arkanius. "Sana, kaya lang hindi na ako nakakakita alam mo 'yan. Hindi ko makikita ang liwanag na sinasabi mo, gusto ko sanang gawin." Malungkot na sagot ni Abegail. "Hindi naman 'yun hadlang, ang importante ang taimtim mong dasal. Malay mo, magkatotoo." Turan ng binata. "Hmmm, pag- iisipan ko 'yan. Ihatid mo na ako sa loob, nararamdaman kong malapit na sina Yaya Dely." Tugon ng dalaga. "Galing mo na talaga! Sasabihin ko pa lang sana, naunahan mo lang ako." palatak ni Arkanius. "Sus! Nasarapan ka lang sa kwento kaya hindi mo na naalala," ingos naman ng dalaga. Nagkatawanan sila at magkahawak - kamay na naglakad papasok sa loob ng bahay. Kapwa rin sila nakangiti na akala mo'y magsing- irog o bagong magkasintahan. Kapwa magaan ang pakiramdam at hindi alintana ang anumang panganib na maaaring dumating. Tila pinagtibay iyun ng kanilang samahan kahit sa maikli lamang na pagkakataon. Na kahit anong unos na dumating kayang- kaya nilang suungin. "Salamat sa paghatid, saan ka na naman niyan magtatago?" wika ni Abegail. "Don't worry, narito lang ako sa malapit. Saka, tawagin mo lang ako at darating ako." Sagot ni Arkanius. "Saan naman?" nagtatakang tanong ng dalaga. "Dito at saka rito," tugon ng binata sabay turo sa sentido ni Abegail at sa tapat ng kanyang dibdib. Napangiti ang dalaga. "Hmmm, puro ka kalokohan." tugon nito. "Totoo iyun! Subukan mo at darating ako," wika ng binata. "Oo na! Ikaw na ang panalo bilanh isang scammer na binobola ang isang bulag na katulad ko." Sabi ni Abegail. "Naku, eh naging scammer pa pala ako! Sinasabi ko sa'yo, kapag nasa kapahamakan ka ako ay darating kapag tinawag mo ako. Pero kailangan sa isip at puso mo lang ha? Bawal ang magsisisigaw," saad ni Arkanius. Tawang- tawa naman si Abegail sa mga sinasabi ng binata sa kanya. Pero may parte ng kanyang isioan na nagsasabing totoo ang mga sinasabi nito. Kaya napatango na lamang ang dalaga at muling ngumiti. "Paano, maiwan na muna kita. Babalikan kita mamayang gabi," paalam ni Arkanius. "Sige pero, mag- iingat ka." Sagot ng dalaga. "Yes, po!" tugon ni Arkanius. Napangiting muli ang dalaga, umihio ang hangin. Hanggang sa naramdaman na lamang ni Abegail na nawala na ang presensiya ng binata. Halos tumayo ang kanyang mga balahibo subalit iwinaksi niya ang masamang iniisip niya. Marahan siyang nahiga hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD