I SEE A MONSTER CHAPTER NINE Maghapon ngang binantayan ni Yuri si Abegail kahit saan man ito magpunta. Kaya inis na inis ang dalaga, hindi na rin sila nakapag- usap ni Arkanius kahit sandali lamang. Hindi na nga niya alam kung nasaan na ang binata at kung ano na ang ginagawa nito. Bigla tuloy namiss ni Abegail si Arkanius, kaya malungkot siya maghapon. "May problema ka ba?" untag ni Yuri sa kanya. Hindi sumagot ang dalaga. Ayaw niyang sagutin ang tanong ng binata. Kung sa problema, marami pero gusto niyang makasama si Arkanius lalo na kapag malungkot siya. "Don't worry, narito lamang ako kung gusto mo ng makakausap. Alam kong mahirap ang kalagayan mo ngayon, narito ako para damayan ka." Saad ng binata. "I'm okay! Actually, mas okay pa ako bago ako dumating." Marahas niyang sagot. "A