I SEE A MONSTER CHAPTER 27 GUSTONG- gusto nang lapitan ni Arkanius si Abegail ng gabing iyun subalit may pwersang pumipigil sa kanya. Magkatabi ang mag- ina aa kama at kapwa may suot na kwintas at parang may kakaiba sa kanilang suot. Hindi alam o maintindihan ni Arkanius kung anong meron sa kwintas. Maaaring nakalimutan ni Abegail ang kanyang bilin noong isang araw. Malungkot na umalis si Arkanius sa bahay ng dalaga at bumalik sa kanyang tinitirhan. Sa daan niya ay may nakita siyang mga tao na nagkukumpulan at tila may seryosong usapan. Ang iba ay may hawak na mga palaso at sulo na tila may susuguring kailangang hulihin. "Hindi ko sana gustong paniwalaan pero tatlong tao na ang nagsabi mga kabarangay." Wika ng tila pinuno ng mga ito. "Kung totoo ang sinabi ni Armando, maging sina Gigi