Her POV Hindi ko alam kung paano ko itatago ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Nakita lang naman kami ng may-ari ng kompanya. Natakot ako na baka matanggal ako sa trabaho dahil dito. Oo dati gusto kong magresign pero ngayon parang hindi ko na gustong mahiwalay sa lalaking ito. Ayoko ng mawala siya sa paningin ko at hindi ko gusto ang pakiramdam na mahiwalay sa kanya. Natatakot ako sa nararamdaman ko. Alam kong hindi ito pangkaraniwang atraksyon. Mas malalim pa ito. At sa ngayon ayokong pangalanan kasi natatakot ako sa nararamdaman ko. Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap niya pero ang lalaking ito, lalo akong niyakap kaya nabaon ang mukha ko sa dibdib niya. "Who the hell told you to enter this room?". Galit na sabi nito. "Hindi ka sumasagot kaya pumasok na kami. At kailan pa pinagbawa