MAPUSOK at malalim ang ibinigay na halik ni Marco kay Anamor nang tuluyang maputol ang pisi ng pagtitimpi niya. Hindi niya alam kung bakit at kung paano sila umabot sa ganoong tagpo dahil natagpuan na lang niya ang sariling mapusok na inaangkin ang labi ng dalaga habang sila ay nasa ibabaw ng malaking bato. Kasalukuyan silang nasa ilog na walang araw na hindi nila pinupuntahan ng dalaga na naging paboritong tambayan na rin niya. Isa iyon sa mami-miss niya kapag bumalik na siya sa San Antonio. "Your lips taste f*****g good, mi amor. Sweet and intoxicating..." paos ang boses na wika ni Marco sa gitna ng kanilang halikan. Tinutugon ni Anamor ang halik niya kaya mas lalo siyang ginaganahan at nanggigigil na halikan ito. And she's also damn a good kisser. Marahan niyang iginiya ang katawan ni