Chapter 1

2179 Words
MASAYANG naglangoy at nagpalutang-lutang sa tubig si Anamor sa ilog na paborito niyang puntahan sa parte ng malawak na lupain na pagmamay-ari ng kanyang ama. Doon siya kaagad dumiretso matapos niyang magpahinga pagkarating niya galing airport. Isa iyon sa na-miss niyang balikan sa Hacienda Larosa na pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Ang lugar kung saan siya isinilang at lumaki. Nangibang bansa lang siya para doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at umuuwi lang siya para magbakasyon. At dalawang taon na lang ang bubunuin niya para siya ay makapagtapos. Walang ibang taong puwedeng pumunta sa parteng iyon ng ilog maliban sa kanya kaya kampante at palagay ang loob niyang maligo na tanging underwear lang ang suot. May taong nakatalaga lang para maglinis sa ilog sa tuwing nasa ibang bansa siya pero ngayong nakabalik na siya ay hindi na nito kailangan pang pumunta roon maliban na lang kung ipinag-uutos niya. At alam sa buong Hacienda Larosa na bawal pumunta sa parteng iyon ng ilog at kung sino man ang sumuway ay may parusang matatanggap. Sa kabutihang-palad ay wala pa namang sumusuway sa kautusang iyon na siya mismo ang humiling sa pinakamamahal niyang ama. Inilibot niya ang mga mata sa paligid nang parang pakiramdam niya ay may nanonood sa kanya. Iyon ang unang beses na makaramdam siya nang ganoon habang naliligo siya sa ilog. Pakiramdam niya ay may taong nakamasid sa kanya na nagtatago sa likod ng puno o malalaking bato na nakapalibot sa kanya. Nakiramdam siya sa paligid at saglit na huminto sa paglalangoy habang patuloy na nagmamasid sa paligid ng ilog. Pero wala siyang ibang taong nakita roon kaya ipinagsawalang-bahala na lang niya ang kakaibang pakiramdam niyang iyon. Siguro ay nabaguhan lang siya dahil halos isang taon na rin buhat noong huli siyang naligo roon. Idagdag pa na may mataas na pader na nakapalibot sa buong lupain nila lalo na sa parteng iyon kaya imposible na may ibang taong magawi sa lugar na iyon. Ipinagpatuloy niya ang pagliligo hanggang sa makuntento siya at makaramdam ng pagod. Umalis siya sa tubig at naglakad patungo sa kubo ilang metro ang layo buhat sa ilog. Ipinatayo iyon ng kanyang ama para daw mayroon siyang maayos na mapagpapahingahan at masisilungan kapag nasa ilog siya. Mabilis siyang nagpalit ng kasuotan at kumunot ang noo niya nang biglang nawala ang pakiramdam niyang tila may nagmamasid sa kanya kanina. Ipinilig niya ang ulo bago ipinagpatuloy ang paglalakad paalis sa ilog. Kulang lang siguro siya sa pahinga kaya kung ano-ano ang napapansin niya. Siguro ay pagod lang siya sa biyahe, idagdag pa ang ginawa niyang paglalangoy. ***** HINDI alam ni Marco kung gaano na siya katagal na nakatago sa likod ng isang puno habang panaka-nakang sinusulyapan ang babaeng naliligo sa ilog. Pinapapak na rin ng lamok ang braso niya at ilang beses na ring nakagat ng langgam ang kanyang paa. Hindi siya makaalis sa pinagtataguan niya dahil tiyak siyang makikita siya ng babae lalo na't tila nararamdaman nito ang kanyang presensya. Kaya ingat na ingat siyang gumawa ng ingay para hindi siya mahuli dahil baka kung ano pang isipin nito kung bakit siya naroon sa lugar na iyon. Idagdag pa na bawal ang ginawa niyang pagpasok sa lugar na dapat pala hindi na niya ginawa. Damn that fucking curiosity! Mapapahamak pa yata siya... Muli siyang sumilip sa punong kanyang pinagtataguan pero mabilis ulit siyang nagtago nang tumingin ang babae sa kinaroroonan niya. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba. Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago siya ulit naglakas-loob na tingnan ang babae at nakahinga siya nang maluwag nang makitang bumalik na ulit ito sa paglalangoy. Tila naubusan siya ng lakas na napaupo sa lupa habang nakasandal sa puno dahil ang akala niya ay mahuhuli na siya. Hindi rin nagtagal ay tila napagod na ang babae sa paglalangoy at nakita niya itong umalis sa tubig. Naglakad ito patungo sa isang kubo na hindi kalayuan sa ilog na ngayon niya lang napansin dahil nakuha agad ng ilog ang atensyon niya kanina, idagdag pa ang babae na inakala niyang diwata. Pumasok ito roon at sinamantala niya ang pakakataong iyon para makaalis sa lugar. Muli ay umakyat siya sa puno at mabilis ang mga kilos na umalis bago pa lumabas ang babae sa kubo. "Whew! That was fucking close..." wika ni Marco nang makaliban sa kabilang pader. Sa wakas ay nakahinga rin siya nang maluwag. Sa wakas ay natapos rin ang pagtitiis niya sa kagat ng mga lamok at langgam. Bumalik siya sa bahay at doon na lang nagpasyang magpalipas ng oras. Pero maya't-mayang bumabalik sa isipan niya ang babaeng nakita niya sa ilog. Tila tumatak na agad sa kanyang isipan ang maganda nitong mukha, idagdag pa ang magandang hubog ng katawan nito na hindi niya itatangging may kung anong naging epekto sa kanya. Kaakit-akit ang babae sa ilog at hindi niya iyon ikakaila. Lumipas ang oras at namalayan na lang ni Marco na kumakagat na ang dilim sa paligid. Nagtungo siya sa kusina para lutuin ang pagkaing iniwan ng mag-asawa para sa kanya. Sapat na iyon sa kanya hanggang bukas ng umaga kaya niluto na niya lahat ang ulam para paiinitin na lang niya bukas ng umaga kapag nag-almusal siya. May dala naman siyang pera kaya bukas na lang siya mamimili ng lahat ng kailangan niya sa bahay. Kumain agad siya pagkatapos niyang magluto at agad na pumasok sa kuwarto nang matapos siyang kumain. May sariling banyo ang kuwartong tinutuluyan niya at doon siya dumiretso para maligo na isa sa nakasanayan niyang gawin bago matulog. "Fuck! What the hell is happening to me?" gigil at naiinis na wika niya sa sarili dahil hindi pa rin mawala sa isip niya ang babae sa ilog habang nasa loob siya ng banyo. At ang mas hindi siya makapaniwala ay ang epekto nito sa katawan niya lalo na sa nasa pagitan ng kanyang mga hita. His friend down there is fucking hard. Sobrang init ng kanyang pakiramdam at iyon ang unang beses na naapektuhan siya ng ganoon sa isang babae. Hindi pa niya iyon nararamdaman sa kahit na sino, kahit na kay Phoenix na una niyang babaeng minahal at kahit kailan ay hindi sumingit ang tungkol sa bagay na iyon sa isipan niya kapag kasama niya ito. Iyon ang unang beses na naging sexually attracted siya sa isang babae. "Anong nangyayari sa 'yo? Bakit nagkakaganiyan ka?" parang baliw na wika niya habang nakatingin sa kaibigan niya sa ibaba. Hindi nakakatulong ang malamig na tubig na umaagos sa kanyang katawan para pahupain ang init na kanyang nararamdaman. Nanatili pa siya nang ilang minuto sa ilalim ng shower pero kahit yata gaano pa katagal siyang manatili roon ay hindi pa rin mapapawi ng malamig na tubig ang init na nararamdaman niya. Kaya tinapos na lang niya ang pagliligo at binalot ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan bago lumabas ng banyo habang pinupunasan ang basa niyang buhok. Nagsuot lang siya ng boxer short bago sumampa sa kama nang matuyo ang kanyang buhok. Hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin ang nasa pagitan ng kanyang mga hita na kanina pang nagpapapansin na tila naghahanap ng kalinga. Sana lang ay makatulog siya sa ganoong kalagayan. Kinabukasan, maagang gumising at bumangon si Marco kahit na ilang oras lang ang naging tulog niya. Hindi niya alam kung anong oras siya pupuntahan ng ginoo para ilibot siya sa lugar at samahan sa bayan para mamili ng kakailanganin niya kaya mas mabuting nakahanda na siya bago pa ito dumating. Kumain na rin siya ng almusal, naligo na rin siya at kasalukuyan siyang naghihintay ngayon sa munting sala. Hindi rin naman masyadong nagtagal ay dumating ang ginoo. Umalis sila kaagad patungo sa bayan dahil mas maganda raw mamili habang maaga pa dahil kaunti pa lang ang tao. Inihatid siya ng ginoo at sinamahan rin siya nito sa pamimili kaya mabilis lang siyang nakatapos. Maaga pa lang ay nakabalik na sila sa bahay. "Wala po ba kayong trabaho, 'Tay? Hindi po ba ako nakakaabala sa inyo? Puwede naman pong sa ibang araw ninyo na lang ako ilibot dito sa lugar, kapag po may libreng oras na po kayo," wika ni Marco habang inaayos ang kanyang mga pinamili. "Wala naman akong masyadong gagawin ngayon, hijo. Nagpaalam rin ako kay Mr. Larosa na kung puwede ngayong araw ang day off ko at pumayag naman siya. Nangako ako sa 'yo kahapon kaya maghapon kitang sasamahan ngayong maglibot sa buong Hacienda Larosa," wika ng ginoo na kasalukuyang humihigop ng kape na tinimpla niya. "Nakakahiya naman po. Nag-abala pa po pala kayo para masamahan lang ako," nahihiyang wika niya na mahinang ikinatawa ng ginoo. "Wala iyon, hijo. Huwag kang mahihiyang lumapit sa aming mag-asawa habang nandito ka. Puwede mo rin kaming ituring na pangalawang magulang, iyon ay kung puwede sa iyong ituring ka rin naming parang sariling anak. Maaari ba, hijo?" "Puwedeng-puwede po, 'Tay. Gusto ko po iyon," nakangiting wika ni Marco at kita niya ang kasiyahan sa mukha ng ginoo sa pagpayag niya. Halatang sabik na sabik itong magkaroon ng anak at iyon ang tutuparin niya habang kasama niya ang mag-asawa. "Pumunta nga po pala ako sa ilog kahapon, 'Tay. Maghahanap po sana ako ng magandang pagliguan kaya lang..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang muling maalala ang babae sa ilog. Ang dahilan kung bakit siya napuyat kagabi. "Kaya lang nakita mo ang mataas na pader? Tama ba, hijo?" pagpapatuloy ng ginoo sa sasabihin niya. Tumango siya at bahagyang ipinilig ang ulo para burahin ang babae sa kanyang isipan. "Pribado ang parte ng ilog na iyon at walang ibang puwedeng pumunta roon dahil paboritong tambayan iyon ng nag-iisang anak ni Mr. Larosa. Alam sa lugar na ito ang tungkol sa bagay na iyon kaya walang nagtatangkang pumunta sa parteng iyon. Idagdag pa na may mabigat na parusang ipapataw sa kung sino man ang mahuli sa ilog na walang pahintulot galing sa mag-amang Larosa," wika ng ginoo na bahagyang ikinabilog ng kanyang mga mata. Ang ibig sabihin... ang babaeng nakita niya sa ilog kahapon ay ang nag-iisang anak ni Mr. Larosa? Fuck! Mabuti na lang pala at hindi siya nahuli kahapon. Tiyak siyang malilintikan siya pag nagkataon. Pagkatapos niya sa ginagawa ay umalis din sila kaagad patungo sa hacienda. Sakay sila sa sasakyan na ipinagkatiwala ni Mr. Larosa sa ginoo at iyon ang ginamit nila para libutin ang buong Hacienda Larosa. Sobrang lawak ng lupaing mayroon ang mga Larosa at halos pagmamay-ari pala lahat ng mga ito ang lupang tinitirikan ng ilang bahay na nakikita niya ayon sa ginoo. At halos lahat ng nakatira sa lupang nasasakupan ng mga Larosa ay nagtatrabaho sa hacienda. Hapon na nang maisipan nilang bumalik sa bahay pero dumaan muna sila sa bahay ng mag-amang Larosa. Sobrang laki niyon at maihahalintulad niya ang bahay sa malaking bahay ng mga Salvador. "Gusto mo bang pumasok sa loob?" tanong ng ginoo sa kanya. "Hindi na po. Dito ko na lang po kayo hihintayin," pagtanggi niya at tumango naman ito. Lumabas siya ng sasakyan at nagpasyang maglakad-lakad muna habang hinihintay ang ginoo. Hindi pa tuluyang nakakalayo si Marco sa sasakyan ay natigilan siya sa kinatatayuan nang makitang lumabas ng bahay ang babaeng nakita niya sa ilog. Babalik na sana siya sa sasakyan para doon na lang hintayin ang ginoo at para na rin umiwas sa babae habang hindi pa siya nito napapansin pero huli na ang lahat dahil bigla itong tumingin sa gawi niya. Nagtagpo ang kanilang mga mata at sa hindi malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya katulad noong una niya itong nasilayan sa ilog. Ilang minutong naghinang ang kanilang mga mata at siya ang unang nag-iwas ng tingin dahil habang tumatagal ay parang nahihipnotismo siya sa maganda nitong mga mata. Umayos siya ng pagkakatayo nang maglakad ito palapit sa kanya habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya na parang ayaw siya nitong mawawala sa paningin nito. At hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya pero parang anumang oras ay babagsak siya sa lupa dahil tila nanlalambot ang tuhod niya dahil sa titig at presensya ng babae na ngayon ay nasa harapan na niya. "Nagkita na pala kayong dalawa." Sabay silang lumingon sa ginoo nang magsalita ito. Lihim siyang nagpasalamat dahil sa biglang pagdating ng ginoo. "Sino po siya Tata Ramon? Trabahante rin po ba sa hacienda?" tanong ng babae sa ginoo. "Magiging trabahante pa lang, hija. Siya nga pala si Marco. Kararating niya lang kahapon dito sa lugar natin at siya ang tinutukoy ko sa iyong ama na ipapasok ko sa hacienda," sagot ng ginoo sa dalaga. Tumango-tango ang dalaga at ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang tainga nang naglakbay ang mga mata nito mula sa kanyang ulo hanggang paa. Kagat nito ang sariling labi habang ginagawa iyon at hindi niya itatangging mukhang kaakit-akit ito sa kanyang mga mata habang ginagawa nito iyon. "Hi. I'm Anamor. But you can call me An or Amor," malawak ang ngiting wika nito at inilahad ang kamay sa kanya. "Pero kung ayaw mo naman sa mga nicknames ko... puwede mo rin akong tawaging Mi Amor..." dagdag pa nito na ikinanganga niya kasabay ng pag-iinit ng kanyang mukha. What the...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD