My Plus Size Lover AiTenshi June 5, 2020 Part 28 "Fall in line please! Hindi aalis si Jerry, lahat kayo mameet at mahahawakan siya in person! Mag handa na kayo ng mga panyo at bimbo pamunas sa kanyang shining shimmering splendid na skin!" ang wika ni Diego habang inaayos ang pila sa akin album signing. "Pamunas? Bimbo? Huwag mo ngang gawing santo si Jerry. Huwag masyadong ilapit yung lamesa dito dahil baka may mag walang fans." ang utos ni Daniel. Punong puno ang mall at halos hindi na ito mahulugang karayom. Ang lahat ay naka pila para mag pa pirma sa akin ng autograph, marami rami na ring copy ng aking first album ang nasold out sa loob lamang ng tatlong araw matapos kong kumanta sa telebisyon ng live. Naging trending din ang aking ginawang performance sa social media at humakot