I'm Sorry. *** Sarah Lacarte. One week na kaming show and tell ni Vera sa public, pero hindi ko pa rin naman mapigilang mailang kahit alam kong tinutulungan n'ya lang akong mapagselos si Sierra. Ewan ko ba kung bakit ako nauto ng babaeng 'to sa gusto n'ya. "Vera, itigil na kaya natin 'to? Mukhang wala naman na s'ya talagang pakialam eh. Parang normal lang din naman ang lahat. 'Wag na lang, hayaan na natin s'ya kung saan s'ya masaya. Siguro hanggang dito na lang talaga kami." Nawawalan na talaga akong loob na sabi ko. Ramdam ko naman na wala na talaga eh. Ako na lang talaga itong nagpipilit. Mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal n'ya kay Bellarose which is unti-unti ko na rin naman natatanggap. Wala eh, mahal ko. Vera tsked. "Psh. Don't give up yet, sabi ko sa 'yo eh