A Perfect Ending (Part 4) *** Sabrina Castillan. "Ate! Ang ganda-ganda ng bahay na ginawa n'yo together ni Ate Winonna oh!" Hangang-hangang saad ni Wendy habang nakatanaw sa dream home namin ni Winonna na nakatayo na ngayon dito sa Perth, Australia. Nasa tabi ito ng dagat at ilang blocks lang ang layo ng bahay namin sa bahay nila Queenie and Princess. Actually, sinadya talaga namin ni Queenie ito. Gusto kasi naming malapit lang kami sa isa't isa. Scary b*tches ba? Well, ang masasabi ko lang ay baka nga naka buhol na ang mga bituka namin ng babaeng 'yon. We can't lived without each other. Saka nasa iisang bansa na nga lang kami, maghihiwalay pa ba kami? Iyon din naman ang gusto ng mga asawa namin. "You think so?" Nakangiting tanong ko habang nakatanaw din sa hal