Lost Then Found. *** Olivia Olivarez. Nakakaloka ang mga turn of events sa buhay ng mga friends ko, una si Queenie and now si Sabrina naman. Gosh, ako na rin kaya ang susunod? Pero hindi ko mapigilang malungkot sa kaisipang iyon dahil hanggang ngayon ay wala pa rin naman si Reeyan s bansa. Hindi pa rin ito umuuwi habang si Tasha naman ay nasa Hacienda pa rin naman at maraming trabahong ginagawa. Actually, she's covering my absence dahil hindi ako makapag-focus nang maayos sa trabaho gawa nga ng pagkawala ni Reeyan. Gusto ko man din sundan o puntahan si Reeyan pero walang binibigay ang pamilya n'ya na detalye sa akin kung saan ko ito matatagpuan. Hindi na ako nagtataka kung bakit ilag sa akin ang pamilya n'ya ngayon. Lubos ko kasing nasaktan si Reeyan kaya siguro pino