Nakasunod ang tingin ni Camilla kay Zara na noon ay patungo sa silid nito nang bigla ay hawakan ni Adonis ang palad. Mabilis niya itong binalingan. "I'm sorry, I'm looking for the remote control for the TV," anito. Akala pa naman niya ay talagang sinadya nitong hawakan ang palad niya. Mabilis niyang hinagilap ang remote control at ibinigay sa boss. Binuksan niya 'yon at nakinig sa mga balita. "Camilla?" tawag niya. Agad naman siyang sumagot baka may kailangan ito. "Yes, sir?" untag niya. "Camilla," ulit na wika ng boss na nakatitig sa kanya. "Yes, sir, may kailangan ba kayo?" untag na tanong na niya nang makita ang matamis na ngiti na sumilay sa labi nito. "Sir? Ayos lang po ba kayo?" usisa sa hindi mapuknat na ngiti sa labi nito. "Yes, I'm good, very much!" gilalas ni Adonis nang