Sa ospital ay hindi mapakali si Alex dahil nakikiramdam kina Zara at Brent. "What are you looking for?" sita ni Brent nang makitang nakatingin siya sa mga ito. Hindi siya umimik dahil wala siyang oras para makipag-argumento rito. "Are you going to stay with her?" untag sa lalaki. Hindi ito sumagot bagkus ay tila pinag-aaralan siya nito. "If you gonna stay with her, aalis na rin ako," anang ni Alex. "Okay," tanging sagot ni Brent na hindi malaman kung okay pwede na siyang umalis o okay na mag-stay na muna siya. Kaya nang mapansin nitong clueless siya sa sagot nito ay napabulalas ito. "It's okay, you can go!" mariing wika nito. Tulog pa si Zara dahil tinurukan ng mga ito ng pampatulog dahil kailangan nito 'yon lalo na at medyo marami-raming dugo ang nawala rito. Pagod raw ang numbe