Chapter 30

2218 Words

PINAGMAMASDAN ni Drake si Aleah habang wala pang malay sa kanyang kama. Inuwi niya ito sa Maynila. Mamaya ay biglang nagising ang dalaga. Bumalikwas ito nang upo. Lilinga-linga ito sa paligid, hanggang sa mahagip siya ng paningin nito. Prenteng nakaupo siya sa silya sa gilid ng bintana, may sampung talampakan ang layo niya sa gawing kaliwa nito. Sinisimsim niya ang kanyang inuming sariwang dugo habang nakadi-kuwatro. “Welcome back, baby!” bati niya rito. Iwinaksi nito ang kumot saka bumangon. Susugod sana ito sa kanya ngunit napaatras ito nang matamaan ng sikat ng araw na tumatagos sa bintana ang binti nito. Nalapnos ang balat nito pero kaagad ding humilom. Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya. “Anong nangyayari?” masungit na tanong nito. Tumayo siya at humakbang ng dalawang bese

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD