"Hey..." May kumalabit sa akin habang hinihintay ko ang orange yakult drink na in-order ko kaya napalingon ko. "Uy, Ate Alex!" ngiti ko sa kanya at tinapik ko ang vacant seat sa tabi ko. "Upo ka." "You want some? Gusto mo i-order din kita?" tanong niya pagkatapos niyang maupo sa tabi ko sabay alok ng wintermelon tea na iniinom niya. "I'm good, Ate. Naka-order na ako," sagot ko. "Oh, okay," she nodded. "Vacant mo?" tanong niya pa. "Free cut. I'm waiting for Enz," sagot ko. "Ikaw, Ate? Ano palang ginagawa mo rito?" tanong ko naman. "I'm waiting for Tim. May pinag-u-usapan sila ni Lolo Alonzo," paliwanag niya. "Oh, I see," tango ko naman. "Speaking of Enz..." banggit niya. "Alam niya ba?" "Ang alin?" kunot-noong tanong ko. "Hindi naman sa nakikialam ako, ha?" pasintabi niya. "Pero