"Anak..." tawag sa akin ni Mama nang sumilip siya sa pintuan ng kwarto ko. Nakalimutan ko palang mag-lock ng pinto. "Hindi, Ma. Wala 'to," iling ko sabay punas ng pisngi. "Nakakaiyak lang kasi 'tong pinapanuod ko," sabi ko pa sabay turo sa screen ng laptop ko. Kumunot lang ang noo ni Mama. Nanatili siyang nakatitig sa akin at sa hawak kong pint ng strawberry ice cream. "Hindi ka ba nagugutom?" tanong niya. "Hindi ka pa kumakain ng kahit ano. Ice cream na agad ang inatupag mo," sermon niya pa. "Kukuha na lang ako ng pagkain kapag nagutom ako, Ma. Busog pa naman ako," sagot ko at pinilit kong ngumiti. "Promise, kakain ako mamaya." "Oh sige, ikaw ang bahala," buntong-hininga niya. "May bisita ka nga pala." "Sino?" "Si Enz," sagot niya. "Mag-ayos ka at lumabas ka sandali. Nakakahiya at