"Ito na pala si Aly," turo ni Wendy sa direksyon ko nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanila. Sa isang fast food kami nagkita-kita ng mga college friends ko ngayon para sabay-sabay na mag-breakfast. Sabay-sabay kasi kaming papasok sa morning class namin mamayang 9 AM. "Hi, guys!" salubong ko sa kanila sabay yakap. "Grabe! Namiss ko kayo!" dagdag ko pa. Halos two months din ang naging summer break. We're finally in the first semester of our third year in college. We're almost there. "Oh my gosh, Aly! Malandi ka! Ang dami mo nang hindi ikini-kuwento sa amin, ha?" sabi ni Cip pagkatapos niya akong sabunutan at hinampas ko naman ang braso niya. "Mukhang namang na-i-kuwento na sa inyo ni Lyn lahat," sagot ko at pabiro akong umirap sa kanya. "Sorry naman..." nakatawa niyang sabi