Chapter 3

1299 Words
Chapter 3 Sabi nila, ang lahat ng bagay ay napag-aaralan. Pero bakit ako? Kahit pinag-aaralan ko naman, hindi pa rin ako natututo? Kahit gaano ako kadeterminadong mag-aral, wala rin dahil mahina ang utak ko. Napabuntonghininga akong pumasok sa bahay. Maliit lang ang lugar namin pero sakto lang para sa aming dalawa ng tita ko. Namatay si mama pagkatapos akong ipanganak. Si papa naman, hindi ko siya nakilala. Binalak ko siyang hanapin pero kahit si tita ay hindi siya kilala kaya si tita na lang ang nag-iisang pamilya ko. Nakita ko agad si tita na nagluluto sa kusina. “Tita, may sasabihin po ako,” bungad ko. Kunot-noo siyang lumingon sa ‘kin. “Ano ‘yon? Napaaway ka na naman ba? Waiz Naman! Nahihirapan na ako sa pagpapaaral sa ‘yo tapos gumawa ka na naman ng kalokohan.” Napatakip ako ng tainga habang patuloy siya sa pagputak. “Tita, sandali lang po. Kalma lang, “ pagpapahinto ko sa kanya. “Teka, anong hawak mo?” Ipapakita ko pa lang sana ang envelope pero bigla na lang hinablot ni tita. “Huwag mong sabihing na-kick out ka sa school n’yo? Patapos na nga lang ang taon, nagloko ko pa. Ano ba naman ‘yan, Waiz?” Napakamot na lang ako sa ulo habang pinapaulanan niya ulit ako ng mga salita. Binuksan niya ang envelope at tiningnan ang loob. “Kaizen Academy Scholarship?” Natigil siya at binaling ang tingin sa ‘kin. “Yes po, tita. Nakapasa po ako sa KA,” sagot ko. “‘Yung kilalang school? Balita ko matatalino ang mga nag-aaral doon,” gulat niyang sabi. Tumango ako at pilit na ngumiti. “Pero bakit parang hindi ka yata masaya?” tanong niya. “Genius po ang mga nag-aaral sa KA, baka mapahiya lang po ako.” Nagulat ako hinampas niya sa ‘kin ang envelope. “Ikaw talagang bata ka! Bakit ka naman mapapahiya? Kaya ka nakapasa dahil genius ka rin, kailangan lang alugin ng utak mo,” biro niya. Bahagya akong natawa at bumuntonghininga. “Alam ko naman na mahina talaga ang utak ko,” matamlay kong sagot. Biglang naging seryoso ang mukha ni tita. “Dahil ito ang sinasabi ng mga tao sa ‘yo?” Nagulat ako nang hampasin niya ulit ako. “Magiging bobo ka talaga kung palagi mong iisipin ang sinasabi ng iba!” naiinis niyang sabi. Napahawak ako sa braso ko dahil sa sakit ng paghampas niya. “Ako ang tita mo, ang nakakakilala sa ‘yo ng buo. Kapag sinabi kong genius ka, ‘yon ang paniwalaan mo,” saad niya. “Maliwanag ba?” nasa awtoridad niyang tanong. “Opo,” nakangiti kong sagot. “Mabuti, ‘yan na ang opportunity mo para mapatunayan na matalino ka.” Natigil ako nang marinig ang sinabi niya. Tama si Tita kaya hindi dapat ako panghinaan ng loob. “Maghanda ka na ng plato at kakain na tayo.” Mabilis akong tumango at sumunod. Napakaswerte ko talaga kay tita kahit mahilig pumutak. MABILIS lumipas ang mga araw. Makakahinga na ako ng maluwag dahil ngayon na ang huling are ng klase. Hindi na ako mapagtitripan ng mga kaklase ko. “Hello, Waiz!” masiglang bungad sa ‘kin ng aming Class Rep. “Huwag mo kaming kalimutan, Waiz,” saad ng mga kaibigan niyang babae. Parang nagbago ang ihip ng hangin. Dati inis na inis sila sa akin pero ngayon ay parang may matibay kaming pinagsamahan. Napansin ko si Xyrus nakatingin sa akin ng masama. “Tinitingin-tingin mo?” naiiritang tanong niya sa akin. Iniwasan ko na lang siya ng tingin at pumunta sa table ko. Mayabang kahit wala namang binatbat. “Gusto mo ba talaga ng gulo?” Napalingon ako sa kanya. Namumula na naman siya sa galit. “Xyrus, ano bang problema mo!” “Wala namang ginagawa sa ‘yo si Waiz.” “Tumigil ka na, Xyrus,” pagpigil ng mga kaklase ko sa kanya. “Bahala kayo diyan.” Tumayo siya at naglakad palabas ng room. Napabuntonghininga na lang ako at napailing. LUMIPAS ang bakasyon. Dahan-dahan kong binuhat ang mga gamit pababa ng bus at nagsimula nang lumakad. Sa kalahating oras na paglalakad ay nakita ko na rin ang school. Hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ang kulay gintong gate nito. Labas pa lang, ang ganda na. Napalingon ako sa ibang mga estudyante rito na dala ang malalaki nilang maleta. Makikita ko sila sa loob ng dalawang taon. Base sa nabasa ko, katumbas ng dalawang taon sa Kaizen Academy ang pag-aaral ng anim na taon sa normal education. Kung iisipin, napaka-advance talaga ng learning system ng KA. Ang tanong na lang ay kung makakakaya ko kaya ‘yon? Kinuha ko ang envelope ko para tingnan kung saang klase ako kabilang. Class Stone. “Excuse me po?” Napalingon ako sa nagsalita. Isang babae na nakasalamin. Ang buhok niya ay hanggang bewang ang haba. Medyo may kaliitan siya at maputi ang kanyang balat. “Gusto ko lang pong itanong kung anong class ka?” nakangiti niyang tanong. “C-class Stone, ikaw ba?” “Ang swerte ko naman! Class Stone din ako! Wait, may kasama ka ba? Pwede ba akong sumabay sa ‘yo?” masigla niyang saad. “Wala naman akong kasama, sige,” nakangiti kong sagot. “By the way, I’m Vanna Alba,” pagpapakilala niya. “Waiz Catalinuhan,” sagot ko. “Waiz, matalino ka siguro.” Napangiwi ako nang marinig ang sinabi niya. “Ahm, lakad na tayo?” pagbabago ko sa usapan. “Sure.” Sabay tango niya. Buti naman hindi na siya nagtanong pa. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa gate. “Class Stone yuhu! May class Stone ba rito?” sigaw ng lalaki sa harap. “Kaklase natin ‘yon, tara puntahan natin.” Nagulat ako nang hawakan ni Vanna ang kamay ko at hinila papunta sa direksyon ng lalaki. “Class Stone pansinin niyo ako! Mukhang ako lang ang estudyante sa Class Stone, mabuti ‘yon para wala akong kakumpitensya,” sabay tawa ng lalaki nang makalapit kami. “Class Stone kami!” sabi ni Vanna na nagpahinto sa kanya. “Huh? Uy classmate! Mabuti napansin n’yo ako, by the way my name is Win Dela Cruz,” pagkakakilala niya. “I’m Vanna Alba.” “Waiz Catalinuhan,” pagpapakilala namin. Napansin ko ang pagliit ng mga mata niya nang tumingin sa akin at dahan-dahan na tumango. “Waiz!” Nagulat ako nang bigla niya akong tinuro. “Remember this, ako ang pinakamalaking kalaban mo rito sa KA, you are Waiz but I always Win,” saad niya na nagpakunot-noo sa ‘kin. “Competitive spotted,” sabi ni Vanna habang umiiling. Napansin namin ang pagbukas ng gate kaya sabay-sabay na kaming pumasok sa loob at hinanap ang dorm. “Bale ako lang pala ang mahihiwalay ng dorm. Waiz and Win, pwede hintayin n’yo ako bago kayo pumunta sa Class Stone?” Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. “Sure,” sagot naman ni Win. Humiwalay na siya ng daan kaya si Win na ngayon ang kasabay ko. Sa paglalakad ay hindi ko maiwasanang mamangha sa mga nakikita ko. Ang ganda ng buong paligid. Parang pinagsamang present at future ang mga bagay rito. Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng dorm building. “Room 103 ako, ikaw ba?” tanong ni Win. “136 pa,” “Sige, kita na lang sa baba.” Tumango ako at pumasok na sa elevator. Pagdating ko sa third floor ay hinanap ko na ang room ko. “133, 134, 135, 136, ito na,” saad ko nang makarating sa tapat ng pinto. Bubuksan ko na sana ito pero napalingon ako nang mapansin ang taong papalapit. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Ang bwiset na si Xyrus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD