Chapter 21 Kung noong nakaraang araw ay pumili si Ma’am Pilar ng dalawang magkakalaban, ngayon naman pinapili niya kami ng partner. Ano naman kayang activity itong ipapagawa niya. Siguro naman, wala nang labanan na magaganap dahil sa labas ng school gaganapin. Pero hindi rin ako sigurado sa puwedeng mangyari. “Waiz, part—” “Hoy, partner na kita.” Tiningnan ko na may halong pagtataka si Hina nang lumapit siya sa ‘kin at nag-aalinlangang tinuro ang sarili ko para siguraduhin na ako ang kinakausap niya. “A-ako?” hindi siguradong tanong ko. “‘Di ba sa ‘yo ako nakatingin? Mukha ba akong banlag?” pambabara niya. “S-sorry,” nahihiyang sagot ko. Nakapagtataka na gusto niya akong maging partner, samantalang hindi ko man lang natatandaan na naging malapit kami sa isa’t isa. Una at hul