NAPANGANGA talaga si Kim sa narinig na inusal ng tulog na binata. Pangalan ba niya iyon? Luh! Mayamaya ay nakagat niya ang pang-ibabang labing napabangon siya. At napatitig sa nakapikit ma'y guwapo pa ring mukha ng binatang hindi na niya crush... daw? Nagningning ang kanyang mga mata. Tapos ay naitakip niya sa kanyang bunganga ang dalawang palad niya. Muntik na kasi siyang mapatili sa sobrang kilig. "Kim.." ungol ulit ni Jay. "Oh, my gosh! Oh, may gosh!" Tili niya na walang boses sa hindi alam na gagawin. Pinaypay-paypay niya ang dalawang kamay sa mukha niya kung hindi mahihimatay siya. Ngunit hindi na niya nakayanan ang sobrang kilig kaya nagmadali siyang bumaba sa kama at tinungo ang banyo. Doon niya pinakawalan ang sobrang kilig niya. "Eiiiiihhhhh!" tili niya na nagtatalon-talon, n