PART 4

1451 Words
"AKALA ko ba bukas pa ang uwi mo. Napaaga ka yata?" tanong ni Ernest kay Jay. Ang isa sa mga pinsan ni Jay Novilla na pinagkakatiwalaan nila rito sa kanilang resort. "'Yan tuloy wala man lang sumalubong sa'yo." "It's okay. Sinalubong naman ako ng babaeng parang tanga lang," wika ni Jay pero sa isip na lang niya iyon. "I'm completely fine, insan. I know you're all busy here at the resort, so don't worry about it," aniya sabay kinilig dahil umiihi siya pero tapos na. Tinaas niya ang pantalon at nag-zipper saka lumabas sa magarang banyo. Thank God. Naihabol niya. Tss! "Ay oo, sinabi mo pa, Insan. Grabe ang tao ngayon. Salamat sa Climate change," biro ni Ernest. "Baliw," aniya na umupo at ipinahinga ang sarili sa couch. "I'm just kidding pero totoo naman, insan. Grabe kasi ang init ngayon ng mundo kaya lahat tuloy ay gusto mag-swimming." He just gave him a small smile. "Siya nga pala mamaya pa raw darating ang mama mo kasi may pinuntahan. Nagulat din nang sinabi kong dumating ka na." "Okay," he answered with a shrug. "So, paano maiwan na muna kita? Just take a rest now. Bukas ka na tumulong dito sa resort." "Thanks, insan." Nang wala ang pinsan ay ni-relax muna ni Jay ang sarili. Kampanteng sinandal niya ang likod sa malambot na kinauupoang couch. Pero ewan niya dahil bumalik sa balintataw niya ang babaeng parang baliw kanina. Tauhan kaya 'yon ng resort? Makikita kaya niya ulit ito? The truth was nagandahan kasi siya sa babae. Simpleng ganda, natural. Parang si Kim lang noong unang nakita niya ang dalagang ngayon ay bahagi na lang ng buhay niya. Walang make-up. Walang kaarte-arte sa katawan. Nga lang, iyon nga, parang baliw lang kasi. Iyon ang kinaibahan ng babaeng 'yon kay Kim, dahil si Kim na Ex-gf niya ay matino ang isip hindi tulad ng babae kanina na parang may tililing sa utak. Sayang ang kagandahan....       ******** PAGDATING ng bahay ni Kim ay baliw na nga siya, hindi na parang baliw dahil natuluyan na siya sa kabaliwan na tinungo ang silid niya. "Waaaaahhhhhh! Bakit ba kasi ang malas ko sa buhay?! Bakit?!" ngawa niya na walang luha. Naihampas-hampas niya ang unan. Para sa kanya kasi ay wala na siyang pag-asa sa crush niyang si Jay Novilla dahil sa inasal niya kanina. Sino ba naman ang hindi matu-turn off sa inasal niyang iyon?! Gosh, she's like a huge brainless b***h. Nakakahiya. "Kainis! Kainis talaga!" Patuloy niya sa p*******t sa mga unan niya. Kung tao lang siguro ang unan niya ay sinapak na rin siya nito dahil dinadamay niya ang mga ito sa katangahan niya. Na kung magsasalita siguro ang mga unan ay sasabihin sa kanyang... "Tantanan mo kami! Wala kaming kasalanan sa katangahan mo para saktan mo kami ng ganito!" At parang narinig naman niya dahil tinigilan na niya ang mga unan. Hinaplos-haplos na niya ang mga ito tapos ay niyakap. "Sorry. Sorry, naglalabas lang ako ng sama ng loob kasi naman nakaharap ko nga ang crush ko pero ganoon naman ang nangyari. Ibang-iba sa gusto kong mangyari. Wala na, wala na 'yong slowmo na moment." "Gano'n talaga. Minsan kapag nasa harapan mo na ang taong mahal mo ay 'di mo alam ang mangyayari," sagot ng unan. Nagulantang siya. Nanlalaki ang mga mata niyang inilayo niya ang unan sa kanyang sarili at tinitigan. "Nagsasalita ka?" "Tangi. Hindi 'yan ang nagsalita kundi ako. Napa'no ka ba?" Nakahinga siya nang maluwag nang malingunan niya ang Ate Kayla niya sa likuran niya. "Aisstt... Ano ka ba naman, ate? Pinakaba mo ako. Akala ko pa naman ay nagsalita ang mga unan ko," pagmamaktol niya sa kapatid. "Ikaw nga ang parang ewan diyan. Nagsasalita kang mag-isa," anang kapatid saka umupo ito sa gilid ng kanyang kama. "Nagsweldo ka na ba? Uutang sana ako, eh." Ayun, kaya pala nandito ang kapatid niya. Mambuburaot na naman. "Awan (wala). Wala akong pera," busangot niyang sagot saka humigang yakap ang mga unan niyang kanina ay mina-murder niya. "Ito sinungaling na naman. Pautang na. Parang 'di ka naman babayaran, eh," pangungulit sa kanya ng kapatid. May asawa na ang ate niya at may trabaho naman ang asawa nito at nasa Baguio. Pero iyon na nga, laging mga kinakapus dahil dalawa na ang mga anak. At ang seste siya ang parang bangko ng mga ito. Na kung mga nagipit ay parang may pinatago sa kanya at iwi-withdraw basta-basta. Hindi naman sa pinagdadamutan niya ang Ate Kayla niya, nga lang kasi ay 'di na siya nakakaipon. "Kim, sige na five hundred lang naman. Pambaon lang ng mga pamangkin mo. Matitiis mo ba sila na nagugutom?" sumamo nito sa kanya. Parang kawawa na naman ang hitsura. Inuuto na naman siya. Napapikit siya, dahil ang totoo ay 'di niya talaga matitiiis ang mga pamangkin niya. Ang dalawang bata na iyon, sila ang mga alas ng Ate Kayla niya sa kanya kaya nagpapauto naman siya. Bumangon siya. "Sige, pero babayaran mo 'to, ah? Kailangan ko rin ng pera, ate." Oo, kailangan niya talaga ng pera dahil balak niyang bumili ng bagong damit bukas bago pumasok sa trabaho. Gusto niya bago ang mga damit niya na makikita siya ni Jay Novilla. Tapos itutuloy pa rin niya ang pagpapaganda. Babawi siya. Babawi siya sa kapalpakan niya kanina.       KINABUKASAN, kahit paano ay fresh na pumasok si Kim sa trabaho. Kung 'di nga lang siya mga kilala ng resort ay pagkakamalan siyang guest o customer. Paano ay naka-dress siya ngayon na halos hanggang talampakan ang haba. Pak na pak ang kaniyang OOTD. Pang-rich. Sosyal. "Ang ganda mo ngayon, Kim," puri sa kanya ng mga kasama nilang mga lalaki. Lalo na syempre si Boyong na halos lumuwa ang mga mata nang makita siya. "Kim, para kang anghel," sabi sa kanya ni Boyong sa kanya na kung makatingin sa kanya ay para siyang diyosa na lumitaw rito sa lupa. Which is ikinatuwa naman niya dahil napatunayan niyang maganda nga siya ngayong araw. Hindi nga nagsisinungaling ang salamin niya kanina. Maganda nga talaga siya. Buti naman. "Salamat," kiming aniya sa mga lalaki. Kilig na kilig siya. Maaga pa para pumasok siya kaya sinamantala niya ang oras na naglibot-libot muna sa resort. Paraan niya para makita siya o makita niya si Jay Novilla. Umaasa siya na makasalubong niya ito ngayon. At ipapakita niya ritong hindi siya tanga o baliw tulad kahapon. Ipapakita niya sa binata ang totoong siya, ang matinong Kim Salomon. Ginaya niya ang mga napoponood niya sa TV na paglalakad ng mga mayayamang babae. At kunwari abala siya sa pagtingin-tingin. Kunwari ay gandang-ganda siya sa dagat at ngayon lang siya nakapunta rito. Hindi niya alam na kanina pa siya pinagmamasdan ng lalaking punterya niyang paibigin. Saktong paglabas ni Jay ay napatingin ito sa gawi niya at agad itong humanga sa ganda niya. Napatanggal pa ito ng sunglass. Umihip ang hangin kaya nilipad ng hangin ang buhok niya, na siyang nagpaganda sa paningin ng binata. At sa paglinga niya ay nakita na rin niya ang binatang nakatingin sa kanya. Awtomatiko syempre na sumikdo ang puso niya. Kinilig siya nang husto. Sabi na nga ba niya at mabibighani agad ito sa ganda niya. Ayeii! Ngumiti pa ito sa kanya na syempre nginitian din niya ng pagkatamis-tamis. Sa totoo lang ay parang hihimatayin siya sa sobrang kilig. Ito na 'yong moment na gusto niyang mangyari.  At okay na sana, dahil 'yon na nga talaga 'yong moment na inaasam niya na mangyari sa kanila ng crush niya. Tapos lalapit na lang ito sa kanya para makipagkilala. Oh my, hindi na siya makapaghintay. Kaso may asungot na dumating. Naku naman! "Hoy, Kim! Ano'ng ginagawa mo riyan?!" sita sa kanya ni Misis Peres. Napangiwi siya at kitang-kita rin niya ang pagkunot-noo na ni Jay. Patungo na sa kanya si Misis Peres, pero saglit itong tumigil nang makita nito si Jay. Nagbigay pugay muna ito sa anak ng may-ari ng resort. "Ay, kayo pala 'yan, sir. Good morning po." Tumango lang ang binata kay Misis Peres tapos ay muling tumingin ito sa kanya.  Napayuko siya ng ulo niya. 'Yung yuko na abot sa kanyang dibdib ang baba niya. Ngayon siya kasi nahiya sa binata. Siguro na-gets na nito na isa lamang siyang tauhan sa resort kaya kung tawagin siya ni Misis Peres ay gano'n na lang. At malamang nadismaya na naman ito sa kanya kaya ganoon na lang din ang kunot ng noo nito ngayon habang tinitingnan siya. "Excuse me, sir." Magalang na paalam ni Misis Peres sa binata at galit naman na lumapit ito sa kanya. "Hoy, Kim! Akala mo kung sino ka na rumarampa rito, ah?! Hindi ka ba nahihiya sa balat mo?! Magtrabaho ka na nga!" Lalong nanliit siya sa sarili niya. Hiyang-hiya siya kay Jay na nakatingin pa rin sa kanya..........  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD