EPILOGUE: New Life THIRD PERSON'S P.O.V Matapos ideklara ang pagkamatay ni Joyce kasama ang katauhan ni Destiny ay nawala na sa sarili si Sace dahil hindi niya matanggap na namatay ang dalaga. Matapos kunin ang katawan ni Destiny para dalhin sa morgue ay hindi natigil si Sace sa pag-iyak sa tuwing naaalala niya ang huling sinabi ni Joyce bago ito napagutan ng hininga. Sinabi ng dalaga kung gaano siya nito kamahal at humingi pa ito ng tawad kahit wala naman itong kasalanang ginawa. Kaya naman matapos ang nangyari ay mugto ang mga mata ni Sace nang mapagod na siya sa kakaiyak. Agad niya rin minessage si Kaizo para sabihin sa lalaki na wala na si Destiny kaya naman matapos niyang sabihin iyon ay agad itong bumalik sa hospital. At dahil si Kaizo lang ang malapit sa mga magulang nila Des