Enchanted (Part 3) *** Winonna Villaraza. After 1 hour and 30 minutes ay nasa Enchanted Kingdom na kami. Agad-agad akong bumaba at tinanaw ang malaking sign ng Enchanted Kingdom. Napangiti ako. Ang tagal na nu'ng last na pumunta ako rito. Highschool pa ako noon at field trip namin. Hinarap ko ang tahimik na Sabrina na nakasuot na ng sun glass at hoodie. Nginitian ko siya, 'yung pilit. Ewan naiinis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. "Tara na." Nilahad ko' yung kamay ko sa kanya. Saglit na tiningnan niya 'yun pero umangat din ang tingin niya sa mukha ko. "Come on. Para makasakay tayo sa lahat ng rides," I said encouraging her. Walang nagawang hinawakan niya 'yung kamay ko. Tss ang arte, hahawakan din pala... At ewan ko pero I felt uneasy nang magka hawak ang mga